^

Pang Movies

Raymart nakabitin pa ang kontrata sa Dos!

Nitz Miralles - Pang-masa
Raymart nakabitin pa ang kontrata sa Dos!
Raymart Santiago

MANILA, Philippines — Totoo ngang ang Kapuso actor na si Raymart Santiago ang makakasama ni Judy Ann Santos sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN, pero wala ng exclusive contract sa GMA 7 ang aktor, freelancer na siya, kaya walang isyu kung lilipat muna siya sa Kapamilya network.

Totoo ring close sa mga bossing ng GMA 7 si Raymart, kaya naging mahirap din siguro sa kanya na tanggapin ang offer ng ABS-CBN. Siguro naman, nakapagpaalam siya ng maayos.

Actually, last year pa kumalat ang balitang lilipat sa ABS-CBN si Raymart, kaya nagulat kami nang bigla itong lumabas sa isang rom-com series ng GMA 7. Ang sabi, guest lang siya, pero humaba ang kanyang role.

Anyway, hindi pa nagti-taping ang aktor ng Starla at hindi pa yata pumipirma ng kontrata, kaya wala pang nagli-leak na balita tungkol dito. Tiyak lang kami na isa sa mga araw na ito, lalabas at papangalanan na ang aktor na makakasama ni Judy Ann sa bago nitong teleserye.

Mark nag-enjoy sa pagiging kontrabida

Paano ba ‘yan at ayaw nang bumalik sa mga bida at goody-goody role si Mark Herras pagkatapos ng The Cure. Gusto na ni Mark ng character role at kahit ma-type cast siya sa kontrabida role, okay lang sa kanya. Masarap daw umarte ng laging galit at may inaapi at sinasaktan.

Nabanggit ni Mark na gusto niyang saktan sa susunod si Alden Richards dahil maamo ang mukha at siguradong maba-bash siya ng fans nito. Parang nabanggit ni Mark na sana makapasok siya sa Victor Magtanggol kahit bilang kontrabida.

Zanjoe at Empoy may dating ang chemistry

Tama nga si director Victor Villanueva, may chemistry sina Zanjoe Marudo at Empoy at dahil na rin ito sa matagal na silang magkakilala at magkaibigan. Makikita sa mga eksena nila sa Kusina Kings that they compliment each other at nagbibigayan sa mga eksenang magkasama sila.

Si Empoy, alam na ng lahat na komedyante na kahit hindi magsalita, tu­mingin lang at lakihan ang mga mata, matatawa ka na. Si Zanjoe ang rebelasyon sa Star Cinema movie na showing simula sa July 25, pwede at kaya niyang mag-comedy at maging komedyante.

Tinanong pala si Zanjoe kung may GF siya ngayon at mabilis na “single pa rin ako” ang sagot nito. Ibig sabihin, hindi pa niya GF ang blogger/surfer and very beautiful na si Josie Prendergast na sabi, pinuntahan niya sa Palawan. Ikatutuwa ni Zanjoe na malamang marami ang pabor na maging couple sila ni Josie.                                                                                                                    

vuukle comment

RAYMART SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with