Sa kakapusan ng pahinga, Luis isinugod sa hospital may bronchitis
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - July 13, 2018 - 12:00am

“Hindi masama magpahinga..bronchitis got me :(,” ang Facebook post ni Luis Manzano yesterday na naka-dextrose sa kanyang hospital bed.

Bukod kasi sa kanyang shows sa ABS-CBN, may mga negosyo pa si Luis na inaasikaso kaya siguro bumigay na ang katawan sa kakapusan ng pahinga.

Kagagaling lang nila ng girlfriend na si Jessy Men­dio­la ng Europe kung saan sila nag-ikot sa iba’t ibang bansa.

Anyway, ang latest business ni Luis ay ang perfumes at naghahanap nga siya ng resellers and distributors para sa kanyang LuckyandLulu’s online store na officially open na.

Sobrang sipag din kasi ng actor/TV host/businessman kaya talagang suwerte si Jessy sakaling sila ang magkatuluyan.

May sariling bahay na si Luis na pinamana sa kanyang ng mommy Vilma Santos niya, maraming negosyo at siyempre walang duda na isa siya sa pinakamayang artista sa showbiz.

Get well soon Luis.

Anyway, si Jessy naman ay busy ngayon sa shooting ng MMFF 2018 entry niyang The Girl In The Orange Dress ka-partner si Jericho Rosales. Ito ‘yung pelikulang naunang napabalita na si Kim Chiu ang bida.

 

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with