Anne
Anne pumiyok sa dahilan kaya ayaw pang magbuntis
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - July 12, 2018 - 12:00am

Ayon kay Anne Curtis, hindi raw ang pelikulang BuyBust ang dahilan kung bakit hindi pa sila nagkaka-baby ng asawang si Erwan Heussaff. Two years in the making kasi ang nasabing obra ni direk Erik Matti at napakahirap ng pinagdaanan ng aktres para matapos ang nasabing film.

“No, hindi dahil sa pelikula,” pahayag ni Anne sa presscon held last Tuesday, “it was more of I truly believe in enjoying your first year of marriage first siguro. Ganu’n kami, lalo na we still wanna travel together. Magha-honeymoon pa kami, so hindi pa.”

Pero kung mangyayari raw iyon, siyempre ay ise-share naman niya agad sa mga fans.

When asked kung bakit ina­bot ng two years at ani Anne, minsan daw kasi ay isang eksena lang sa isang gabi ang nagagawa nila.

“Madugo talaga mag-aksyon. First time ko mag-action at na-discover ko, if you want it to be a superb action film, bibigyan mo ng oras, hindi mo pwedeng (sabihin na) ‘okay na ‘yan!’ Hindi,” sey ni Anne.

At dahil sobra-sobrang naging hirap ni Anne sa pelikulang ito, plus nakadalawang pelikula pa siyang natapos bukod dito, pagkatapos ng BuyBust ay magpapahinga raw muna siya sa paggawa ng pelikula.

“Sabi ko nga sa Viva, pagkatapos nito, siguro naman, pwede na akong mag-rest nang konti, no? Kasi nag-tatlong movies ako, binawian ko ‘yung dalawang taon akong hindi nag-movie.”

Anne revealed na this year ay plano nilang mag-honeymoon in celebration of their 1st wedding anniversary. Kung saan ay secret daw muna.

Naging good girl naman daw siya sa Viva dahil ginawa niya ang tatlong pelikulang pinagawa sa kanya kaya hihingi muna raw siya ng rest.

Pero may Metro Manila Film Festival entry rin siya sa December kaya for sure ay magiging busy ulit siya sa promo before the showing since natapos na niya itong gawin.

Samantala, showing na sa August 1 ang BuyBust mula sa Viva Films and Reality Entertainment. Kasama rin dito ang Fil-Am One Championship heavyweight champion na si Brandon Vera, Victor Neri, Arjo Atayde, AJ Muhlach, Joross Gamboa at Noni Buencamino.

Pangarap ni Janine natupad kay Alden

Inilabas na ng GMA 7 ang buong cast primetime soap na Victor Magtanggol na pinagbibidahan ni Alden Richards. And yes, kasama sina Janine Gutierrez at Andrea Torres.

Proud si Janine na mapabilang sa cast at aniya, isang malaking karangalan daw para sa kanya ang gumanap bilang si Gwen Regalado, isang field reporter na susubaybay sa adventure ni Victor.

“Ako ‘yung makakakita sa superhero na ito. Gusto kong malaman kung sino ba talaga siya. Pinagtatanggol ko rin siya kasi marami yung humuhusga sa kanya,” sabi ni Janine sa kanyang panayam with GMA-7.

Para sa serye, kinailangan ni Janine na mag-training ng parkour in preparation sa malalaking eksenang gagawin nila.

“Pangarap ko rin kasi na makapag-action na eksena. So para lang panigurado, syempre makakasama pa rin ako dahil malaki yung mga eksena sa show e. so lahat ng tao madadamay sa malalaking gulo, mga aksyon scenes,” kwento ni Janine.

Bukod kina Janine, Andrea, nauna nang inanunsyo na makakasama rin sa telefantasya ang child star na si Yuan Francisco aka Pao-pao. Also joining the cast are John Estrada, Connie Reyes, Al Tantay, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Pancho Magno, Eric Quizon, Freddie Webb, Maritoni Fernandez, Kristoffer Martin, Lucho Ayala, Kevin Santos, Benjie Paras, Michelle Dee, Sheena Halili, Christian Bautista, Conan Stevens at Reese Tuazon.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with