Dingdong Dantes at Dennis Trillo
Dingdong at Dennis kumpirmado sa Cain at Abel
(Pang-masa) - July 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang Cain at Abel nga ang teleseryeng pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa GMA-7 at ang sabi, nasa “scripting stage” na ang creative team na hahawak sa malaking project na ito ng network. Kung sa August sisi­mulan ang taping ng teleserye, hindi lang script ang inihahanda.

Pati makakasama sa cast nina Dingdong at Dennis, siguradong pinipili na maging ang director na hahawak. Hindi pa lang nagli-leak kung sino kina Dingdong at Dennis ang gaganap na Cain at kung sino si Abel. Sabi nang nakausap namin, parehong challenging ang dalawang role at kahit sino sa dalawang aktor ang mapili sa role ni Cain at Abel, matsa-challenge ng husto.

Ang tsika pa, pati ibang Kapuso stars, gustong mapasama sa cast ng Cain at Abel at ‘pag nagtawag ng audition, siguradong marami ang darating para mag-audition. Isa ito sa biggest project ng network this year.

Pinost ni Dingdong sa IG Story ang picture nilang dalawa ni Dennis at ang caption ay Brothers na para sa mga nakabasa ay clue sa role nila sa Cain at Abel.

Bianca nagpakita ng alindog!

Ibinalandra ni Bianca Umali ang kanyang kaseksihan sa party ng GMA Network.

Marami ang ginulat ni Bianca that night at siguradong lalo pang nagka-crush ang mga may crush sa Kambal Karibal star. Hindi lang sila makalapit dahil nakabantay si Miguel Tanfelix. In fairness kay Bianca, kahit sino pa raw ang manligaw sa kanya, si Miguel pa rin ang gusto niya.

Minsan nang tinanong si Bianca ng vital stats niya, pero hindi nito alam at hindi rin aware na sexy siya at maganda. Nakakatuwa na kahit ang mga hindi Kapuso viewers, aminadong beautiful si Bianca.

Samantala, malapit nang magtapos ang Kambal Karibal at ang request ng fans nina Bianca at Miguel sa network, rom-com ang next teleserye ng dalawa. Para raw ito makapahinga sila sa pag-iyak at pagiging too involved sa story.

?Sharon suki na agad ng bagong negosyo ni KC

Gamit ni Sharon Cuneta ang nail polish business ni KC Concepcion at pinost pa sa social media account niya ang sample ng nail polish at ang mga kuko gamit ang “Beauty” shade ng KC’s Express Gel Nailpolish for Happy Skin.

Nag-comment si KC ng “It looks beautiful on you mama!!!” naikinatuwa ng supporters ng mag-ina.

Mabili itong nail polish collab ni KC dahil ibinalita nitong mabenta at mabilis maubos ang supply. Lalo nang magiging mabili ang nail polish dahil in-endorse ni Sharon.

Speaking of Sharon, mukhang malapit na nitong simulan ang bago niyang pelikula sa Star Cinema dahil sa pinost na teaser na “STAR CINEMA PRESENTS Sharon Cuneta AND??? Soon...”

Pahulaan na ang supporters ni Sharon kung sino ang makakapareha nito at ang iba ay nagsa-suggest. Nabasa namin na may request na pagsamahin sina Sharon at Maricel Sorianoo kaya’y Sharon at Lorna Tolentino.

May mga humihirit din na pagtambalin uli sina Sharon at Robin Padilla, may nagre-request na Sharon at Aga Muhlach o kaya’y Sharon at Richard Gomez. May iilang naghihintay pa rin ng Sharon at Gabby Concepcion na parang malabo nang mangyari. Tinuldukan na ni Sharon ang muli nilang paggawa ng pelikula ni Gabby.

Vhong at Winwyn parang Eba at Adan sa Regal movie

Ang Unli Life ang next movie na ipalalabas ng Regal Entertainment dahil out na ang teaser ng pelikula nina Vhong Navarro at Teresita Ssen “Winwyn” Marquez. Interesting ang story ng movie based sa teaser na bumabalik sa nakaraan ‘pag nakakainom ng whiskey.

Kaya iba-iba ang ayos ng buhok at damit nina Vhong, Teresita at ibang cast. May nakita pa kaming eksena na panahon ng Hapon at ‘yung isang eksena, parang sa Stone Age. May parang sina Adan at Eba pa sina Vhong at Teresita.

Tanong lang, first movie ba ni Teresita ang pelikulang ito ni Miko Livelo? Introducing kasi ang billing niya at kung saan, makakasama niya ang amang si Joey Marquez. May mga komedyante pa sa cast, kaya siguradong tatawa ng husto ang moviegoers. Wala pang inilagay na playdate ang Unli Life, coming soon lang ang nakasulat.

DENNIS TRILLO DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with