^

Pang Movies

Eddys walang favoritism sa ipapanalo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Eddys walang favoritism sa ipapanalo!

Sa Lunes ng gabi na nga pala ang The Eddys, ang taunang awards sa pelikula na ibinibigay ng SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors, na binubuo ng mga entertainment editors ng mga lehitimong diyaryo. Maitatanong ninyo, hindi ba lahat ng editors? Hindi po, dahil ang mga mi­yembro ng SPEEd ay namimili kung sino ang kanilang iimbitahing sumali sa kanila. Maraming dahilan kung bakit ganoon. Maaaring ang iba ay kasapi na ng ibang organisasyon at ok na iyon sa kanila. Huwag na ninyo kaming tanungin kung ano pa ang isang dahilan bakit hindi sila kinukumbida sa SPEEd.

Ang Eddy’s ay nagkaroon ng napakagandang simula noong nakaraang taon, nang ang SPEEd lamang ang nagtaguyod ng lahat ng iyon. Ngayon natural aasahan nilang mas magiging maganda iyan dahil may mga katulong na organisasyon na ang SPEEd. Pero bagama’t ganoon, sinabi nga ni Ian Fariñas na ang choices ng SPEEd ay mananatiling desisyon lamang ng mga editors na kasapi. Walang ibang makakaimpluwensiya sa kanila. Hindi kagaya ng ibang award giving bodies na hindi na pinaboto ang mga members kung di kumuha na lang ng taga-labas para mamili ng idedeklara nilang winners.

Aaminin namin, maraming nominado ngayon sa Eddys na hindi namin napanood. Nanonood lang kasi kami sa mga sinehan, at iyong mga pelikulang indie, karamihan diyan tumatagal lamang ng dalawa o tatlong araw sa sinehan dahil hindi naman kumikita. Kaya para mapanood mo iyan, talagang sasadyain mo. Inaamin po namin, hindi kami ganoon katiyaga.

Hindi rin kami nanonood ng sine nang ni hindi namin kilala kung sino ang aming panonoorin, kaya sigurado hindi kami manonood ng sine sa buong panahong puwersahang mga indie lamang ang ilalabas sa lahat ng sinehan sa buong Pilipinas.

Pero ang Eddys, alam nila ang tamang judgement. Dahil ang editors lahat naman halos napapanood nila para makapagbigay sila nang tamang ratings. Isa pa ang bibigyan naman nila ng awards ay iyong inaakala nilang pinakamahusay sa kanilang mga napanood na pelikula. Hindi nila concern kung iyan ay kumita o nagustuhan ba ng mga tao. Basta iyan ang pinaka-mahusay sa lahat ng napanood nila.

Siguro magiging maganda naman ang kanilang presentation ng awards. Katulong nila riyan ang UNTV, at live nga silang mapapanood sa social media page ng Wish 107.5. Ilalabas naman iyan sa telebisyon ng UNTV 37. Iyong production company naman nila ay competent talaga, bagama’t kapansin-pansin na mas malalaki nga ang star performers nila last year, kasi nga Viva naman ang producer nila noon. Kung magkakaroon man ng comparison, sa pagitan na lang iyan ng Eddys noong nakaraang taon at ngayon. Panonoorin namin para makita ang pagkakaiba.

Ara nakahanap ng kakampi

Nagulat kami sa inilabas na rebelasyon ni Gina Magat. Nakausap na rin namin siya noon, pero hindi nga namin diniretsa dahil sa tingin namin ay masyadong personal na ang kanilang alitan noong si Rina Navarro na nagbintang naman kay Ara Mina na inagawan siya ng boyfriend. Ang sinasabi ngayon ni Gina, ginawa rin iyon sa kanya ni Rina five years ago. Nakahanda rin daw siyang maglabas ng lahat ng ebidensiya.

Matindi ang usapang iyan. Isipin ninyo, nasapawan nila si Kris Aquino kahit na nagpa-raffle na nga ng premyong sa kabuuan ay umabot daw ng isang milyon. Nasabayan ng controversy ng mga babaing iyan at ni Ara, nasapawan nang todo at hindi na nga napag-usapan.

EDDYS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with