Sikat na K-Actor binantayan ng mga pinoy sa airport, GMA kambyo muna sa K Drama!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 30, 2018 - 12:00am

Dumating sa bansa kahapon ang Korean actor na si Jung Hae-in. Ngayong araw na ito ang gaganapin na meet and greet with his fans sa Kia Theater.

Para sa kaalaman ng hindi K-drama fanatics, ang ilan sa TV shows ni Jung Hae ay ang Something in the Rain, While You Were Sleeping at iba pa.

Una siyang lumabas sa AOA Black music video for Moya nung 2013. Sa TV series na Bride of the Century siya unang napanood.

Siyempre, bantay-sarado siya ng bodyguard nang dumating sa aiport. Hiningan siya ng 24 Oras showbiz reporter na si Aubrey Carampel ng mensahe pero putol ang video kaya hindi kami sure kung nagbigay siya ng message sa fans o hindi, huh!

Pero sa totoo lang, kumakambyo ngayon ang Kapuso Network sa paghahandog ng foreign series. Nabawasan ang pagpapalabas nila ng Korean series dahil pumasok sa eksena ang Thailand series na You’re My Destiny at next week, Turkish-novela naman ang mapapanood sa umaga.

Teka, ito ba ‘yung K-actor na meet and greet lang ay super-mahal na ang tickets entrance, SA?

‘He’s not interested in me’ Kris nakuryente sa inakalang manliligaw na abogado

Hayan, nahalungkat ang background ng young lawyer na si Atty. Gideon Peña nang madikit sa pangalan ni Kris Aquino dahil sa kanilang palitan ng mensahe na napansin ng netizens.

Sa Twitter account ng GMA Network, lumabas ang ilang info kay Atty. Peña na mula sa Albay pro­vince. Graduate siya sa University of Santo Tomas ng kursong Bachelor of Arts major in Political Science. Sa Far Eastern University naman siya nagtapos ng abogasiya.

Sa Facebook account ng lawyer, lecturer di siya sa FEU at lawyer siya sa Cortina & Montes Law Office.

Kaso lang, agad na kinontra ni Kris ang mga nagli-link sa kanila. Sabi niya sa IG comment: “He’s really a FRIEND-wag na natin gawing complicated…

“he deserves for the World to know he’s available & not interested in me in a romantic way.

“Because he should have options & not be a ‘victim’ of other people’s expectations-hence this reply.”

Mapapanood ang one-on-one interview ni Kris kay Atty. Gideon sa kanyang YouTube channel.

JUNG HAE-IN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with