The Write Moment at Walwal salpukan sa mga sinehan
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 27, 2018 - 12:00am

Sabay na magbubukas ngayong Wednesday ang dalawang pelikula - ang isa The Write Moment nina Jerald Napoles at Valeen Montenegro. True story ito ng director na si Dominic Lim na ginampanan ni Jerald ang kanyang character. Produced ito ng IdeaFirst Company at may theatrical release na in cinemas nationwide ng Viva Films.

Ang saya naman ni Direk Joey Reyes nang muli siyang bigyan ng chance ng Regal Films na gumawa ng isang youth movie, ang Walwal tulad ng kanyang Pare Ko in 1994. 

Lead stars niya sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Jerome Ponce at Donny Pangilinan na para sa kanya ay pare-parehong mahuhusay na young actors, lalo na si Donny na siyang pinakabago sa apat.

Showing na rin in cinemas nationwide ang Walwal.

Alden gusto nang hatiin ang katawan sa rami nang ginagawa

Sunud-sunod na blessings naman ang dumating kay Pambansang Bae Alden Richards. Paano kaya pagkakasyahin ni Alden ang katawan niya sa tatlong major projects niya?

For almost two months, nagti-taping na si Alden (three times a week), ng bago niyang action-drama-fantasy series sa GMA 7, ang Victor Magtanggol under Dominic Zapata. Isinabay na rin niya ang pagri-record ng theme song at music video ng serye na Superhero Mo with the Ex-Battalion, na ngayon ay pwede nang i-download sa iTunes na nasa top 3 single for the week.

Natapos na ring i-record ni Alden ang cover single ng bago niyang album sa GMA Records na I Will Be Here. Last June 24, may pre-selling na ang single sa iTunes at yung mga nag-order na, maririnig na nila ito sa Sunday, July 1, na pwedeng isabay ang formal launch sa araw na iyon, dahil may Sunday PinaSaya rin si Alden.

At ilang araw na nanghula ang mga fans ni Alden sa pakulo ng GMA Records na “Soon! Alden Richards Adrenaline Rush.”

Pero ang mga fans, alam nila agad na concert iyon kahit wala pang details na ibinigay ang record company.

At kahapon inilabas na nga ang mga details na: Alden Richards Adrenaline Rush September 21, 2018, 8PM, Kia Theatre. For ticket inquiries, please call 376-3395, Monday to Friday (10am-6pm)

Matatandaang, last year, sa Kia Theater din ginanap ang very successful major concert ni Alden, ang Upsurge na produced din ng GMA at GMA Records.

Paalis pa si Alden sa first week of July, para sa taping ng Victor Magtanggol in a city in Canada. 

Gabbi at Ruru naka-move on na sa isa’t isa, fans lalong nawalan ng pag-asa

Malungkot na ang mga GabRu fans nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid. Parang hindi na raw magkakatambal ang dalawa dahil open na raw na may boyfriend na si Gabbi na isang taga-Kapamilya at si Ruru daw naman ay may non-showbiz girlfriend na rin.

Wala pang bagong show si Ruru pero si Gabbi raw ay may gagawing bagong teleserye sa GMA 7. Dasal pa rin ng mga fans nila na kahit magkasama lamang ay mag- guest sila sa isang show sa GMA 7.

ELMO MAGALONA JEROME PONCE KIKO ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with