Jessy at Luis
Luis at Jessy sa Europe nagpaka-ligaya sa 2nd anniversary
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 26, 2018 - 12:00am

Ang sosyal ng celebration ng 2nd year anniversary nina Luis Manzano at Jessy Mendiola dahil ipinagdiwang lang naman nila ito sa Rome, Italy. Halos isang linggo na silang nasa Europe, base na rin sa mga posts nila sa kani-kanilang Instagram account.

First destination nila ang Paris, France at pagkatapos ay dumiretso sila sa Rome at dito na sila inabutan ng kanilang anibersaryo kahapon.

Sa kanyang social media account ay binati ni Luis ang kanyang “howhow” na term of endearment niya sa girlfriend.

“Happy 2nd anniversary to my Howhow @senorita_jessy ! :) thank you for being the best travel partner, dive buddy (even if nanghahabol ka ng barracuda) and howhow in life :) i always thank God you went to my birthday party 2 years ago (kahit na ayaw mo naman talaga) i howhow you!! :) oh, thank you for taking me to Europe :),” ang anniversary greetings ni Luis para kay Jessy.

Sa dalawang taong relasyon ng dalawa ay parati silang natatanong kung kailan ba talaga ang wedding bells since nasa right age na nga sila lalo na si Luis. Well, who knows, baka sa third anniversary nila next year ay kasalan na ang makita natin.

Kasalang Richard at Sarah nakabitin pa rin

Hindi lang sina Luis at Jessy ang nag-celebrate ng anniversary abroad kundi maging sina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati. Sa Switzerland naman sila na paborito nilang lugar at laging binabalik-balikan.

Matatandaang sa Switzerland nanganak si Sarah sa first baby nila ni Richard na si Zion at dito rin nag-propose ang aktor last year.

Sa bakasyon nila this year, apat na silang pumunta since as we all know ay nadagdagan na ang pamilya nila. Ipinanganak ni Sarah last March ang second baby nila na si Kai.

Sa kani-kanilang IG account ay nag-post sila ng 6th anniversary greetings sa isa’t isa.

At siyempre, kung marami ang nag-aabang sa kasalang Luis-Jessy, mas marami ang nag-aabang kung kailan din pakakasal sina Richard and Sarah since dalawa na nga ang anak nila at nagkaroon na rin ng proposal.

Matatandaang last year, after the proposal ay pinaplano na nila ang kanilang kasal pero naudlot ito nang mabuntis ulit si Sarah.

Sa ngayon ay wala pang announcement ang couple kung kaylan ba talaga matutuloy ang kanilang long-overdue wedding.

Jodi hindi na apektado sa emote ni Jolo

Halata kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla na nahihirapan siyang maka-move-on sa break-up nila ni Jodi Sta. Maria. Though, wala pa naman silang kino-confirm about it, sa mga post ng aktor/politiko lately ay makikita mo naman na mukha ngang wala na sila.

Tweet niya recently, “Ganito rin ba kayo? Yung tuwing may naririnig kang kanta, naalala mo sya? Sakin kasi palagi!”

May mga sumagot namang netizens na ibig sabihin lang daw nito ay mahal pa niya ang tinutukoy na girl.

Sa IG Story naman niya ay nag-post siya ng “I literally miss you” na siyempre, mukhang si Jodi ang pinatutungkulan.

Kay Jodi naman ay wala kang mahahalata sa kanyang anuman dahil puro words of encouragement naman ang posts niya lately. Wala rin kaming makapang sadness sa kanya and it’s either magaling siyang magdala or talaga lang very private person siya.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with