^

Pang Movies

MMFF movie ni Vice nakabitin pa

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
MMFF movie ni Vice nakabitin pa
Vice Ganda

Hindi pa natutuloy ang story conference ng Metro Manila Film Festival 2018 intended movie na gagawin ni Vice Ganda.

Tahimik pa nga si Vice tungkol sa mga makakasama niya sa pelikulang ‘yon.

Hindi pa siya nagbibigay ng mga detalye tungkol doon, pero balitang si Bb. Joyce Bernal ang mamahala roon at ang Viva at Star Cinema pa rin ang producers.

KZ magpapayanig din sa Cebu

Simula lang pala ‘yung MOA Arena ng Supreme concert ni KZ Tandingan dahil susundan ‘yon ng isa pa sa Cebu.

Ililibot daw sa buong bansa ang Supreme concert at may pinaplano na silang world tour nito.

Unahin kaya nila ang China sa world tour dahil bukod sa mga Pinoy ay kilala na rin si KZ ng mga tagaroon dahil sa Singer 2018?

Well…

Darren ipapahinga muna ang boses

Ang tsikang magpapahinga raw muna ng isang buwan si Darren Espanto pagkatapos ng ASAP Hawaii sa June 30.

True kaya ito?

Medyo nagkakasakit daw kasi si Darren at may mga pagkakataon na nahihirapan daw abutin ang matataas na tono.

Aiko-Gabby movie, Korean ang producer

Ang denial ni Aiko Melendez na ang pelikulang ino-offer sa kanya kasama si Gabby Concepcion ay ‘yung pelikulang dapat ay pagsasamahan ng aktor at ex-wife na si Sharon Cuneta.

Ibang pelikula raw ‘yon.

Mukhang iba naman talaga dahil Korean daw ang producer ng pelikulang pagsasamahan nina Aiko at Gabby.

Matatandaan na ang Star Cinema ang nagpasimuno ng reunion movie sana nina Gabby at Sharon na hindi na rin naman pinag-uusapan ngayon.

Isko laging lumulutang sa mga party

Very visible sa mga event sa Maynila ang vice mayor nila at ngayon ay undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Isko Moreno.

Ang tanong tuloy ng marami – kakandidato ba uli sa Maynila ang actor/politician?

Kung kakandidato nga uli siya, babalik kaya siya sa pagka-vice mayor at magiging ka-ticket ni Mayor Joseph “Erap” Estrada o mas mataas na posisyon ang tatakbuhan niya?

Well…

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with