^

Pang Movies

Angelica nabawasan ang emote dahil kay Carlo

Veronica Samio - Pang-masa
Angelica nabawasan ang emote dahil kay Carlo
Angelica Panganiban

MANILA, Philippines — Wala namang tahasang makapagsasabi na nagkabalikan na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban dahil may movie silang ginagawa, ang Black Sheep under Dan Villegas. Magandang promo ng movie nila ‘yung sweet-sweetan nila na hindi naman tinututulan ninuman lalo’t sa kapakanan ng aktres na malaki ang nabawas sa pag-i-emote dahil sa presence ng aktor.

Kung nagawa nilang magkaro’n ng relasyon nun, walang dahilan para di ito maulit na muli, lalo’t pareho silang walang sabit ngayon.

Jolo at Jodi may chance pang magkabalikan

All’s well that ends well with Jodi Sta. Maria. Walang dapat ikatakot sa pagpayat niya. Bunga lamang daw yun ng pagbabago sa mga kinakain niya. Okay rin sila ni Vice Governor Jolo Revilla. Hindi man sila nagkita nung birthday niya, dalawang beses naman siyang tinext nito, nung mismong birthday niya at kinabukasan. Walong taon ang relasyon nila, hindi ‘yun basta-basta mapapatid ng ganun na lamang.

Janine protektado ng GMA

Maswerte na si Janine Gutierrez, hindi man ipinagmamakaingay pa pero, mas malamang ay sila ni Alden Richards ang magkasama sa Victor Magtanggol. Ayaw lang marahil ng GMA na ma-bash ang babaeng nililigawan ni Rayver Cruz kaya quiet quiet muna ito. Proud si Janine na internasyonal na rin ang beauty niya dahil ang serye niyang Legally Blind ay naipalabas na sa Spain at ngayon ay ratsada naman sa Vietnam.

Sukdulan na…

Umabot na sa sukdulan ang pagiging bastos ni Pres. Duterte. Pati ang Diyos ay nilalapastangan na niya, at wala itong kapatawaran. Paano mo naman igagalang ang ama ng isang bansa na binabastos na ang mga nasasakupan niya kabilang na ang mga kababaihan, mga kasama niya sa pagpapatakbo ng administrasyon niya, at ang pinakahuli ay ang Diyos! Paano natin mamahalin, susundin at igagalang ang isang namumuno sa atin na walang respeto sa mga nasasakupan niya at maski na sa Diyos na tinatawag niya istupido?                      

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with