Episode ni Marian sa Tadhana, nag-trending
Tumanggap ng maraming papuri ang Kapuso Primetime Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa social media at nag-trending ang ginawa nilang first anniversary episode ng drama anthology on Overseas Filipino Workers (OFW), ang Tadhana hosted by Marian herself.
Si Marian nga ang gumanap sa first anniversary episode nilang Sugat ni Inay at si Dingdong naman ang nagdirek.
Habang ipinalalabas ito last Saturday, June 23, sa GMA 7, marami na agad comments na nai-post sa Facebook account na Marian Rivera na pawang pinupuri ang akting ng aktres.
May dagdag pang pakilig sa mga DongYans ang episode dahil umapir pa si Dingdong bilang ang abogadong tumulong kay Jackie para manalo ang kaso niya.
Ang DongYan Fans na narito sa Pilipinas, nai-tape at naipadala na nila sa mga kamag-anak nila sa abroad ang episode dahil delayed daw ang airing doon ng GMA Pinoy TV.
Heart, goodbye muna sa showbiz at social media
Magpapahinga raw muna si Heart Evangelista sa showbiz at sa social media, dahil nag-decide pala ang husband niyang si Senator Chiz-Escudero na pagbakasyunin muna siya.
“I should leave the country and take a breather, take a break. So, in a few days, I’ll be going away for a while. I’ve been staying home since the day I found out. I’ll start moving forward and just wait for that rainbow to show up.” Pagbabahagi ni Heart sa kanyang IG live kamakailan lang.
- Latest