^

Pang Movies

Maja at Ogie magpapasaya ng mga kababayan sa Japan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawa sa pinakamalalaking pangalan sa industriya ng showbusiness ang magsasama para sa next big event sa Japan – ang TFC Live Presents: The Songwriter Meets the Wildflower sa July 15 sa Handashi Fukusi Bunka Kaikan, 1-22-1 Kariyado-cho, Handa-shi, Aichi-ken 475-0918. Dito unang mapapanood ang pagsasama ng award-winning singer-composer na si Ogie Alcasid at ng lead actress ng iconic serye na Wildflower na si Maja Salvador sa isang hapon ng kantahan, sayawan, at samahan.

Isa ring record artist at concert performer, ipe-perform ni Maja ang kaniyang sariling hits na Dahan-Dahan at iba pa.

Makakasama ng dalawa ang host na si Eric Nicolas na siyang maghahatid ng stand-up comedy. Kabilang din si Makoto Inoue, finalist sa katatapos lamang na Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, para sa pre-show.

Ang The Songwriter Meets the Wildflower ay magaganap sa July 15 sa Handashi Fukusi Bunka Kaikan, 1-22-1 Kariyado-cho, Handa-shi, Aichi-ken 475 0918.  Magbubukas ang gates ng 12 n.n. at magsisimula ang show ng 4 p.m.

Ang tickets ay nagkakahalaga ng Y10,000 (Platinum), Y7,000 (Gold) at Y3,000 (Silver). Maaaring bilhin ang tickets sa mga sumusunod na authorized ticket sellers lamang:

Kapamilya Sari-sari (080 9727 1494); Margie Ieda (080 4521 9476); Allysa Kusuhara (090 5600 4601); at Masayang Buhay (090 8185 0708). 

 

 

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with