^

Pang Movies

Maine dapat nang mag-move on kay Alden

Vir Gonzales - Pang-masa
Maine dapat nang mag-move on kay Alden
Maine

MANILA, Philippines — Nasakto ang ginawang concert ni Maine Mendoza kamakailan lang kasama ang Broadway Boys sa Eat Bulaga, kahawig niya raw kasi ang singer na si Pops Fernandez na ngayon ay lie low na sa pagkanta.

Marami nang kakumpitensya si Maine sa industriya, ang sabi ng iba dapat daw ay mag-focus siya sa talent niyang pagda-drums, dahil doon daw siya magaling. Kokonti lang din kasi ang mga babae sa showbiz ang nakakagawa ng ganito.

Huwag niya na ring asahan na magbabalik pa ang tambalan nila ni Alden Richards dahil naka-focus na lang ngayon ang network sa sigawan, laitan, agawan sa pag-ibig, patayan at horror sa kanilang teleserye.

Oras na para mag-move on si Maine at hanapin ang sariling suwerte sa industriya.

Fans ni Liza naiinip na kay Darna, Pedro Penduko ni James mauuna pa

Mukhang hindi na yata makakalipad si Darna ni Liza Soberano, baka maunahan pa siya ni James Reid sa pag-ere ng Pedro Penduko. Naiinip na kasi ang mga fans ni Liza, kailan daw ba talaga ipapalabas ang Darna, para raw kasing drawing na lang eh.

Anyway, masaya si James na natupad na ang kanyang pangarap na maging superhero, dapat lang talaga galingan pa niyang mag-Tagalog.

Mga artistang napasikat ni Direk Mike Relon, hindi na nakaalala

Nasa ospital pa rin ng Valenzuela, Bulacan ang comedy director na si Direk Mike Relon Makiling kasama ang kaisa-isang anak niyang nagbabantay sa kanya, si Amor.

Kamakailan lang ay dinalaw nga siya ng dating aktres na si Barbara Milano at sobra ang kanyang tuwa dahil naaalala pa raw siya nito.

Ilan sa mga pinasikat ni Direk Mike ay sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa pelikulang Iskul Bukol, si Ian Veneracion na binigyan niya ng break bilang anak ni Mang Kepweng na ginanapan ni Chi­quito at marami pang iba.

Ganyan talaga, hindi lahat ng nasa showbiz ay matutulungan ka matapos mo silang tulungan.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with