^

Pang Movies

Fans nina Kim at James, nalokakina Nadine at Xian

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Fans nina Kim at James, nalokakina Nadine at Xian

Dalawang kampo ng fans ang kumuyog kay Xian Lim nang lumutang ang pangalan niya bilang isa sa kapareha ni Nadine Lustre sa solo movie niyang Ulan. Ito ay ang grupo ng James Reid-Nadine Lustre fans at ang Kim Chiu at Xian Lim supporters.

Of course, hindi nakapagtataka because Xian is having the best of both worlds sa kanyang acting career. Aba, isa rin ang aktor sa leading men ni Sarah Geronimo sa Miss Granny bukod kay James.

Tapos, heto agad si Nadine na makakapareha niya! Kainggit-inggit namang talaga ang kanyang posisyon, huh!

Kaya dumepensa si Xian sa kanyang Twitter matapos ang storycon ng Ulan.  “No need to bash guys! Happy vibes lang. Sa pelikula na tayo humugot! As actors, we’re vessels to the characters we portray. Hawak kamay na lang lahat and let the writers and the director do their magic,” isa sa tweets ni Xian.

Sa latest Instagram pic ng aktor, ibinahagi ang pictorial niya with Sarah at James sa kanilang movie na may caption na, “Good vibes.”

Samantala, wala pang reaksyon si Kim sa pagkakaroon ni Xian ng bagong leading lady kay Nadine. Nasa abroad siya para sa isang show sa Ontario, Canada at New Jersey ngayong June 23 at 24.

Alden sinamahang magdasal si Baby Baste

Nagsisilbing Big Brother si Alden Richards kay Eat Bulaga Dabarkads na si Baby Baste hindi lang sa noontime show kung hindi maging sa pagiging malapit nila sa Diyos.

Na-extend kasi sa simbahan ang bonding nina Alden at Baby Baste nang samahan ng Pambansang Bae ang bata para magdasal. Pinost ni Baste sa kanyang IG ang karanasan habang kasama sa simbahan ang Kuya Alden niya.

“After Eat Bulaga, we prayed for our personal intentions. I am truly blessed for being surrounded by such amazing and wonderful people who showed me what love is – love for God, family, friends and love for others who need it the most. May God bless us all Dabarkads,” caption ni Baby Baste habang nagdarasal at nakabantay sa kanya si Alden.

Sa panahon ngayong mas tutok sa gadgets ang mga kabataan kesa maglaan ng oras sa pagsimba at pagdarasal, magandang ehemplo ang ipinamumulat ni Alden kay Baby Baste habang bata pa.

vuukle comment

JAMES REID

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with