^

Pang Movies

Manny handang handa na kay Matthysse

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Manny handang handa na kay Matthysse

Bilib talaga ako sa disiplina ni Senator Manny Pacquiao dahil sa loob lamang ng ilang linggo, in top form na agad ang katawan niya kaya handang-handa na siya na makipagsagupaan sa Argentine boxer na si Lucas Matthysse.

Hindi madali ang boxing training ni Papa Manny pero dahil sanay na sanay na siya, napakabilis niya na magbawas ng timbang as in bato-bato agad ang kanyang katawan.

Lucky ako dahil magkakaroon ako ng chance na mapanood ang Pacquiao-Matthysse fight sa Kuala Lumpur, Malaysia sa July 15.

Siyempre, ipagdarasal ko na mag-win si Papa Manny dahil tagumpay ng Pilipinas at ng lahat ng mga Pilipino sa buong mundo ang victory niya.

Thankful nga ako dahil sa ma­ga­ganap sa isang Asian country ang boxing fight ni Papa Manny dahil kung sa Amerika ito idaraos, tiyak na tatamarin ako na manood dahil mainipin ako sa mga biyahe na labing-anim na oras ang tagal.

Jinkee laging may kaba

May regular communication kami ni Jinkee Pacquiao sa cellphone kaya tiyak na magkikita kami sa Kuala Lumpur para sa laban ng dyowa niya.

I will make sure na same hotel ang titir­han namin nina Papa Manny at Jinkee para maging madali ang pagtatagpo namin.

Ayoko na ‘yung gaya nang dati na magkahiwalay ang mga hotel namin sa Las Vegas kaya effort talaga sa akin ang pumunta sa kuwarto nila para papirmahan ang Pacquiao jacket na ibibigay ko sa American son in-law ko na super fan ni Papa Manny.

Kukulitin ko si Bernard Cloma na i-arrange ang meeting namin ni Jinkee sa Kuala Lumpur dahil always present siya sa lahat ng mga laban ni Papa Manny.

Sosyal si Bernard dahil hindi lumalabas ng kuwarto si Jinkee kapag hindi siya kasama kaya naloloka ang mga bodyguard ni Papa Manny kapag missing in action ang Pambansang Friend.

Cry No Fear, malakas ang of mouth

Happy ang Viva Films sa first day gross noong Miyerkules ng Cry No Fear, ang suspense thriller movie nina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome.

Inaasahan na madaragdagan pa ang audience ng Cry No Fear dahil sa word of mouth na maganda ang pelikula ni Richard Somes at talagang nagsisigawan ang manonood sa mga makapigil-hininga na eksena.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with