^

Pang Movies

Maine at Alden tuloy ang kumpetisyon!

Veronica R. Samio - Pang-masa
Maine at Alden tuloy ang kumpetisyon!
Alden Richards

MANILA, Philippines — Dati ay gumawa ng malaking kasaysayan sa TV ang tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza. Nakapanghihina­yang lamang na hindi nila namintina ang kanilang kasikatan, mabilis itong naglaho.

Ngayon kanya-kanya nang landas ang pheno­menal loveteam. At sa malas pangangatawanan nila ang kanilang pagsikat individually.

Lumalabas na sila pang dalawa ang nagiging mahigpit na magkalaban sa kanilang quest for greater glory, salamat sa GMA na hindi pinababayaan ang kanilang magaling na artist at ang APT sa patuloy nilang pagtataguyod sa Dubsmash Queen. Kung si Alden ay may nakaambang aksyon serye na Victor Magtanggol at patuloy pa ring humahataw sa pagkanta, mabilis na susundan ni Maine ang yapak niya. Matapos magtala ng highest rating ang isang episode na ginawa niya pati sa Daig Kayo ng Lola Ko na nagtatampok kay Gloria Romero, masusundan pa ito ng tatlo pang episode na ipagpapatuloy niya ang karakter na una niyang ginampanan sa palabas na kinalulugdan ang mga bata.

Interesado rin sa kanya ang Universal Records na balak siyang pagawin ng album. Si Alden naman ay abala rin sa kanyang single na I Will Be Here na isasabay ang release sa unang pagpapalabas ng Victor Magtanggol. Saang anggulo pa kaya magtatapat ang dalawa. Sino sa kanila ang mamamayani, at magtatagal?

Rufa Mae nahihirapan na sa LDR

Kung kinakailangan ay handa namang manirahan sa Amerika ni Rufa Mae Quinto, para magkasama-sama sila ng asawa niyang si Trevor Magallanes.

Nahihirapan din siya sa kanilang long distance relationship pero, madalas naman silang uwian ng asawa niya. Appreciated din niya ang pangyayaring nagsisimula nang paghandaan ng asawa niya ang pagkakaro’n nila ng bahay dun at ang pagpapalago ng negosyo niya.

Isang US citizen na ang panganay nila. Mabuti na lamang at nabuhay muli ang karera niya sa ABS-CBN na kung saan ay may planong pelikula at serye sila para sa kanya. Nakatagpo din siya ng isang bagong pamilya sa Home Sweetie Home.

Ilang mga pari, hindi na naniniwala sa Diyos?!

Nakakalungkot, at nakakatawa rin, na mara­ming pari ang naghahangad na makapag-ari ng baril. Hindi ba sila naniniwala na kaya silang protektahan ng Diyos sa mga masasamang tao at elemento ng lipunan? Bakit ba sila hahangarin na gawan ng masama ng ibang tao kung nagpapalawig lang sila ng salita ng Diyos? Hindi naman siguro sapat na dahilan ang pagkakapatay sa tatlong pari para pagharian sila ng takot. 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with