Anne hinihintay kung matutuloy pa sa K actor!
Granny raratsada na, Xian in demand na uli
Hindi pa rin natitinag ang pelikulang Sid & Aya. As of yesterday, ayon sa isang Viva insider, konti na lang P200 million na ang kita ng movie nina Anne Curtis and Dingdong Dantes.
Eh ang lakas pa raw nito sa mga international screening. Sa pinaka-latest ay sa Singapore kung saan din pinipilahan ng mga Pinoy doon.
Ang hinihintay ngayon kay Anne ay ang movie with a Korean actor. Bago pa ikasal si Anne kay Erwan Heussaff ay nakikipag-negotiate na si Boss Vic del Rosario sa Korean management ng sikat na K actor para nga sa possible movie with Anne.
Maalalang nabaliw si Anne sa K drama at ilang beses siyang nagpabalik-balik sa Korea.
Anyway, after Sid & Aya and Cry No Fear, isusunod ng Viva Films ang pelikulang Miss Granny, ang Pinoy adaptation ng Korean hit movie with the same title.
Starring sa Miss Granny sina Sarah Geronimo, Xian Lim, James Reid and Nova Villa. Kahapon ay nag-pictorial na sila. Showing na ito sa August 22 na sa trailer pa lang ay winner na. Ang movie ay tungkol sa isang granny na bumalik sa kabataan at na-in love pero may kakaibang twist daw.
Aside from Granny, gagawin din ni Xian ang pelikulang Ulan with Nadine Lustre.
- Latest