^

Pang Movies

Kris hindi totoong niligawan ni Mayor Herbert!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kris hindi totoong niligawan ni Mayor Herbert!
Herbert Bautista

Tawa nang tawa ang isang nagkuwento sa amin. Kasi sabi nga niya, “kung natatandaan mo in a span of four years, dalawa ang naging girlfriends ni Mayor Bistek. Nag-overlap iyon. Nagkaroon siya ng anak sa girlfriends niyang iyon at hindi naman niya ikinakaila iyon. Pero bakit si Kris Aquino sinasabing hindi niya pinatos, four years na rin,” sabi pa ng nagtatawang nagkuwento sa amin.

Siguro nga, masasabi naming kilalang-kilala namin si Mayor Bistek. Matagal naming naging barkada iyan at witness kami sa maraming panliligaw niya. Iyang si mayor Bistek, basta nanligaw dibdiban talaga. May niligawan pa nga iyan na dinadalaw niya sa bahay gabi-gabi. Kaya nga maski kami, naiisip namin na baka naman hindi totoong niligawan niya si Kris.

At saka hindi mangyayari kay Mayor Bistek na iyong babae pa ang mas magkukuwento tungkol sa kanilang naging relasyon.

Patrick binibira sa hindi pagsama sa anak nila ni Jennylyn

Kung iisipin mo, normal na normal lang naman ‘yung fathers’ day post na ginawa ni Nikka Garcia, na kung saan kasama nila ng kanyang asawa, ang actor na si Patrick Garcia ang tatlo nilang anak na babae. Noong una nga naming makita iyon, ang nasabi namin ay napakagandang pamilya naman nito.

Iisipin ba ninyong may naglagay pa ng malisya sa litratong iyon at sinabing mali iyon dahil hindi kasama ang isa pang anak ni Patrick, si Alex Jazz na anak niya kay Jennelyn Mercado.

Kung pag-iisipang mabuti, totoo nga na anak ni Patrick si Alex Jazz, pero dahil sa iba nga ang nanay niya, hindi naman siya talagang kasali doon sa kasalukuyang pamilya ng tatay niya. Hindi rin naman siya doon nakatira para sabihing initsipuwera lang siya, at hindi mabuting madrasta si Nikka. Ibang usapan kung iyang si Alex Jazz ay kasama nila tapos wala sa picture. Pero hindi naman eh. Si Alex Jazz ay kasama ng nanay niya sa simula’t simula. Hindi ba may panahon pa ngang ni dalawin siya ay hindi pinapayagan si Patrick.

Kung natatandaan ninyo nagsimula ang problema noon pang mabuntis si Jennelyn, at ang kasunod nga sana ay ipakakasal sila sa Makati. Nahalata lang ng judge na mukhang hindi ready sa kasal si Patrick kaya hindi muna itinuloy iyon. Ang sumunod doon away na. Kaya talagang sa simula pa lang, wala pa si Nikka, mayroon nang gap.

Ilang taon na ba ngayon si Alex Jazz? Nine years old na ang bata hindi ba? Bakit ngayon lang nila sasabihin na dapat kasama noon sa picture ang tatay niyang si Patrick Garcia dahil fathers’ day?

Kung sabihin nga nila iyan ang maliwanag na “mema”, ibig sabihin “may ma­sabi lang”.

Ilang artistang susuporta sana kay Sereno naunsyami ang plano

May ilang artista na nag-iipon-ipon daw sa isang restaurant sa Quezon City at ang plano ay magsasagawa ng rally sa Supreme Court para suportahan ang nasibak na chief justice Lourdes Sereno. Kaso kumakain pa lang sila ng lunch, lumabas na ang newsbreak, tapos na ang desisyon. Ang nangyari raw nag-inuman na lang ang mga iyon sa restaurant, alam nila mapapagod lang sila eh.

Ano nga ba ang interest ng mga artista sa mga bagay na iyon? Minsan may mga bagay namang hindi na dapat pinakikialaman lalo na kung wala namang kinalaman talaga.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with