Bong Revilla, Jr.
Bong Revilla, Jr.
Bong hindi nawawalan ng pag-asa!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 21, 2018 - 12:00am

Na-sad na naman ako nang mabasa ko kahapon ang emote ni Bong Revilla, Jr. tungkol sa apat na taon na imprisonment niya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Hinding-hindi malilimutan ni Bong ang June 20, 2014 dahil ito ang petsa ng kusang-loob na pagsuko niya noon sa Camp Crame.

Hindi natakot si Bong na sumuko dahil inosente siya sa kasalanan na ibinibintang laban sa kanya, ang pagkakasangkot ng pangalan niya sa PDAF scam.

Ramdam ko ang mga emote ni Bong dahil four years is four years. Mahirap nang ibalik ang nakaraan, lalo na ang mga importanteng okasyon sa buhay nila na na- miss niya tulad ng graduation day ng kanyang mga anak, ang kaarawan ng tatay niya na si Mang Ramon, ang binyag ng mga apo nila ni Lani Mercado at marami pang iba.

Kahit hindi magsalita si Bong, feel ko ang loneliness na nararamdaman niya kaya relate na relate ako sa kanyang mga testimonya tungkol sa apat na taon na pagdurusa sa bilangguan.

“Today is exactly my 4th year in prison. This is 4 years away from my family; missing out on the milestones of my children’s lives; 4 long years that I can no longer get back.

May mga panahon na dumating sa akin na talagang gusto ko na sumuko. Pagod na rin po ako. Pagod na pagod na... Ganunpaman, higit akong kumukuha ng lakas ng loob sa inyo at ibayong tiwala sa Panginoon na matatapos na rin naman lahat nito.

Dalangin ko pa rin ang katarungan. Dasal ko pa rin na mangibabaw na ang katotohanan. Hangad ko na sana, sa wakas, makamit ko ang hustisya.  Let us all continue to pray together! God is good!”, ang sabi ni Bong na hindi nawawalan ng hope at patuloy na nananalig sa kapangyarihan ni God.

 Aling Vicky may libro na tungkol sa sabaw moments

Unreachable na si Hermie Go, ang associate producer sa mga pelikula ng Viva Films.

Sikat na si Hermie dahil aliw na aliw sa Aling Vicky character niya ang madlang-bayan.

Bentang-benta sa mga tao ang old clip ng eksena ni Hermie sa isang comedy movie ng Viva Films na mabilis na nag-viral.

Nagkaroon si Hermie ng mga product endorsement at special participation sa mga pelikula ng Viva Films.

Ngayon, may libro na rin si Hermie na may title na Mga Kuwentong Sabaw ni Aling Vicky na available na sa mga bookstore.

Ang VRJ Publishing Inc., ang publishing company ng Viva ang publisher ng funny book ni Hermie aka Aling Vicky.

 Miss Granny ni Sarah, nasakto sa magandang petsa ang showing

Sa August 22 ang playdate ng Miss Granny, ang mystery comedy movie ni Sarah Geronimo.

Magandang petsa ang August 22 dahil holiday sa Quezon City sa August 19, walang pasok sa August 21 at holiday din sa August 27.

Matagal nang inaabangan ng fans ni Sarah ang Philippine adaptation ng Miss Granny na isang feel good movie. Sikat na Korean movie ang Miss Granny na pinilahan at matagalan na ipinalabas sa mga sinehan sa South Korea. Sa pagkakaalam ko, nagkaroon pa ng ibang mga version ang Miss Granny dahil sa sobrang popularity nito.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with