^

Pang Movies

Anne handa sa Valentina

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Anne handa sa Valentina
Anne Curtis

Willing at kaya naman daw pala Salve A., ni Anne Curtis ang gumanap bilang Valentina sa pelikulang Darna na pagbibidahan ni Liza Soberano.

Hindi dahil sa gustung-gusto niyang maging kontrabida, kung hindi ito na raw kasi ang chance na makakatrabaho niya ulit si Erik Matti.

Si Direk Erik kasi ang kanyang direktor sa pelikula niyang Buy Bust na nakatakdang ipalabas sa New York Film Festival at internationally via Netflix.

Ang huling gumanap bilang Darna ay si Marian Rivera, pero nauna muna sa kanya si Angel Locsin

Ang kauna-unahang Darna ay si Rosa del Rosario na ipinalabas noong 1951 pa, ang nag-produced nito ay ang Royal Productions na pagmamay-ari ng ama ni Fernando Poe Jr.

Ang ama nito ang tunay na FPJ, dahil ang tunay naman kasing pangalan ni Fernando Poe Jr. ay Ronald Allan Kelly Poe.

Bong naiyak sa diploma ni Jolo

Tres at hindi daw 72 Hours ang final title ng unang pelikula ng magkakapatid na sina Bryan, Luigi at Jolo Revilla na ipapalabas sa mga sinehan sa buwan ng August at hindi sa December, at hindi rin bilang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang Tres ay isang action movie simula umpisa hanggang dulo, very traditional daw ang dating nito under Imus Film Productions na pagmamay-ari nina Ramon Revilla, Sr. at Bong Revilla.

Sina Direk Dondon Santos at Richard Somes ang nagdirek ng pelikulang ito, si Direk Dondon kina Bryan at Luigi at si Direk Richard naman kay Jolo.

Tampok din dito sina Rhian Ramos, Assunta de Rossi at Carla Humphries bilang kanilang mga leading ladies.

Samantala, naiyak naman si former Senator Bong Revilla nang ipinakita sa kanya ni Jolo ang college diploma nito sa Lyceum of the Philippines.

Request kasi talaga nina Sen. Bong at Mayor Lani Mercado-Revilla sa kanilang mga anak na magtapos ang mga ito ng pag-aaral dahil ito ang pinakamaganda nilang “pamana” na puwedeng iwanan nila sa kanila.

Pareho na ring college graduates sina Bryan at Luigi. At ngayon si Vice Jolo na rin nga.

Kahit may asawa at dalawang anak na ang kanilang panganay na babae na si Inah at nakatira with her family in Davao City, hindi ito bumibitiw sa kanyang pag-aaral. She is currently finishing her Law studies sa Ateneo de Davao University.

Ang pangalawang babae, si Lordette ay gra­duate naman ng Human Resources (HR) sa De La Salle University.

Medesina naman ang kursong pinag-aaralan ng bunsong babaing si Gianna. At ang bunsong lala­king si Ram naman ay sa isang university sa U.S. kumukuha ng kursong Business Administration.

Kapatid ni Donny hindi na rin natanggihan ang showbiz

Hindi lang si Donny Pangilinan ang nag-iisang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan ang nasa showbiz, maging ang kanilang bunsong anak din na si Hannah, 18, ay kakapirma lang ng kontrata sa Universal Records.

Katulad ng kanyang kuya, si Hannah ay maga­ling ding sumayaw at maganda rin ang boses. Puwede rin siyang maging TV host tulad pa rin ng kanyang kuya na regular na VJ sa MYX.

Darating din ang araw, si Hannah ay susunod na rin sa yapak ni Donny na una nang bumida sa pelikulang Walwal ng Regal Entertainment na idinirek ni Joey Javier Reyes. Kasama ni Donny dito sina Jerome Ponce, Elmo Magalona at Kiko Estrada.

Minsan na rin namang naging aktibo si Maricel sa showbiz bilang artista    tulad ng kanyang ama at inang sina Tony Ferrer at Imelda Ilanan.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with