^

Pang Movies

Kris nag-presidential speech, pinagsigawang hindi siya duwag

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris nag-presidential speech, pinagsigawang hindi siya duwag
Kris Aquino

Karugtong pa rin ng live session ni Kris Aquino last Sunday, pinaringgan niya ang lahat ng mga naninira sa kanyang yumaong inang si former President Cory Aquino.

“Uulitin ko ‘to, ha, sa lahat ng naninira sa nanay ko, never kaming umalis. I lost count nga, eh, if it was seven or eight coup attempts. Binabaril ang bahay namin,” pagre-recall ni Kris sa administrasyon ng kanyang ina.

Dagdag niya, “my mom, stood her grounds. So, I am who I am because of the sacrifice that my Dad gave and because of the strength my mother showed.”

At ang mensahe ni Kris sa lahat ng galit sa kanila, “go ahead, lahat ng ibabato n’yo sa amin, go ahead. Pero taas-noo kong kayang sabihin sa inyo, hindi kami umalis. Hindi kami duwag.

“Kung kayo, matapang lang sa social media, eh kami, harapan. Nabaril na, ­ilang beses binaril. Pero nakatayo pa rin at nandito. Namatayan kami. Si Noy (Ninoy Aquino, her father), nabaril. Kami, ilang beses. Naduwag ba kami? Hindi.

“So, happy Father’s Day, dad. You raised great children because you gave us the courage to be Filipinos.”

Feeling namin ay nagbibigay ng Presidential speech si Kris Aquino habang pinapanood na­ming nagsasalita kaya hindi pa rin talaga namin maiwasang isipin na nagbabalak siyang pumasok sa politics in the future.

Pero sabi naman niya ay bawal sa mga kontrata niya ang pumasok sa politika kaya hindi raw talaga siya tatakbo. For now. Let’s see kapag natapos na ang mga kontrata niya.

Mariel balik-Showtime!

Kahapon ay napanood na ang pagbabalik ni Mariel Rodriguez sa It’s Showtime and in all fairness, napakaganda ng pag-welcome sa kanya ng buong team sa pangunguna ng lahat ng hosts.

Parang nakaka-refresh ngang ma­rinig ulit ang mga tawa niya na sey nga ng mga co-host ay na-miss din nila.

Pero nakakatuwa rin ang ipinakitang suporta ng kanyang mister na si Robin Padilla. Bukod sa nag-post sa Instagram ang action star, may video message pa ito para sa misis na ipinakita sa noontime show.

Ayon kay Robin, ito raw talaga ang nagpapasaya kay Mariel kaya happy siya na nakabalik na ulit ang asawa sa It’s Showtime.

Nagpasalamat naman si Mariel sa pagpayag ng mister na magbalik siya ulit sa noontime show at sey nga niya, kung iba-iba lang daw show ito, baka hindi pumayag si Binoe. Pero dahil nga alam ng asawa na ang It’s Showtime ang nagpapa-happy sa kanya ay pumayag daw ito.  

Andrea pumiyok sa pagtataray

Nilinaw ni Andrea Brillantes na hindi siya ang nagtaray sa mga bashers sa Facebook post kamakailan under her name.

“Hi everyone. It has come to my attention that there is a statement allegedly made by me that was posted on facebook a few days ago. I would like to make it clear, that it wasn’t me.

“The only social media account I handle is my instagram.

Kung sino man po ang nagpost, I am grateful for your support, but nonetheless with what is happening right now with the back and forth sa comments, nakakalungkot. The least that I want is to have any negativity or conflict between everyone involved.

“Sa lahat ng mga nangyayari sa mundo ngayon mas kailangan nating magtulungan at magmahalan kesa magsagutan sa social media. We are all better than that,” ang post ni Andrea sa kanyang IG na may 3.3 million followers.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Andrea sa Bagani. Bukod dito ay may ginagawa rin siyang indi film entitled A Spark in Samar kung saan ay bida sila ni Empress Schuck na kakuwadra niya sa management ni Becky Aguila.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with