^

Pang Movies

Jolo tikom ang bibig sa hiwalayan nila ni Jodi

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Jolo tikom ang bibig sa hiwalayan nila ni Jodi
Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria

It’s nice to be back!

Anyway, kahapon habang nasa airport ako at naghihintay ng flight pabalik ng bansa, nag-message ako kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla para kumustahin.

Malaking issue na rin kasi ang tungkol sa tsikang hiwalay na silang dalawa ni Jodi Sta. Maria.

Actually, ang ibang mga malalapit kay Jolo ay nagsasabing mukhang nahihirapan ang actor/politician na maka-move on sa pagtatapos ng relasyon nila ng Kapamilya actress.

So, hindi na nga maikakailang may katotohanan ang tsikang hiwalay na nga sina Jolo at Jodi.

And in fairness kay Jolo na madalas kong makasama noong araw sa taping ng Click ng GMA 7 (bagets pa siya noon), nag-reply naman siya kaagad.

“Ok naman, Tito Jun,” ang sagot niya sa pangu­ngumusta ko, kaya sinamantala ko na ‘yon at tinanong ko na siya ng, “Marami na kasi ang lumalabas na wala na kayo ni Jodi. Is it true? Take care.”

Pero ang sagot lang ni Jolo, “Take care always!” kesehodang nasa DM namin na “seen” niya ang lahat ng pinadala kong message, huh!

Hmpp! Mas lalo tuloy akong naniwala na hiwalay na nga sila ni Jodi, ‘noh?!

Knowing Jolo naman, pagdating sa status ng kanyang love life, hindi talaga siya mahilig magkuwento. Pero, hindi ba noon naman ay nagkahiwalay na rin sila ni Jodi, pero nagkabalikan din naman?

Kung totoo ngang hiwalay sila ngayon, posible pa rin naman na magkabalikan sila, huh!

Oo nga pala, sana naman ay walang mag-ugnay kay Lovi Poe sa hiwalayang Jolo-Jodi dahil sa pagge-guest niya sa pelikula ng actor/politician.

Eh, ang tsika naman, bago pa nag-shooting noong June 9 si Lovi para sa pelikula ni Jolo ay hiwalay na raw ang actor/politician at si Jodi.

So, hindi puwedeng mapagbintangan si Lovi na dahilan ng hiwalayan ng dalawa, huh!

Saka in love na in love si Lovi sa boyfriend niyang si Chris Johnson, so, hindi sila puwedeng gawan ng intriga ni Jolo.

Malinaw?!

Alfred maligaya ang father’s day

Pinost ni Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas ‘yung picture nila ng misis na si Yasmine habang magka-date noong Sunday.

Pero kuwento sa akin ni Alfred kahapon, kasama rin nila ang dalawa nilang anak na babae, sina Aryana Cassandra at Alexandra Milan.

“Sa mall lang kami, kasi nag-arcade sila. Malapit lang sa house namin, sinamahan namin sila maglaro then nag-dinner na rin kami,” sey ni Alfred.

Isa nga pala si Alfred sa masaya na extended ang primetime series nila sa GMA 7, ang Kambal Karibal.

Noong una, ang alam din nila ay hindi naman katagalan ang series na ‘yon, pero na-extend sila nang na-extend.

Bale hanggang August na nga raw sila dahil maganda nga ang feedback sa kanilang series.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with