^

Pang Movies

Marian ayaw paawat sa pagsusuot ng bikini kahit tag-ulan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian ayaw paawat sa pagsusuot ng bikini kahit tag-ulan
Marian Rivera

Father’s Day dinner by the beach ang pasiklab ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes nang idaos nila ito sa El Nido, Palawan, kasama ang anak na si Zia. Inilabas ni Yan sa kanyang Instagram story ang paandar niya sa asawa with matching pasilip ng set up ng romantikong selebrasyon.

Pinili nina Dong at Yan ang El Nido dahil ma­rami silang unforgettable memories nu’ng gawin nila roon ang TV series nilang Dyesebel, Kaya naman ngayong may Zia na sila, gustong ipakita ni Dong sa anak ang lugar kung saan nabuo ang pagmamahalan nilang mag-asawa.

Siyempre hindi pinaligtas ng mag-ina na rumampa sa beach sa kani-kanyang swimsuit. Isang two-piece ang suot ni Marian kaya naglaway na naman ang ilan niyang followers. Si Zia naman, nagpaandar din sa kanyang pulang swimsuit na ayon sa IG post ni Dong ay naging amazing ang planet earth dahil kina Yan at Zia, huh!

From Palawan, lilipad si Dong pa­puntang Singapore para sa selebras­yon ng Philippine Independence Day. Sa June 23 naman ay mapapanood ang episode ng Tadhana na pagbibidahan ni Marian na idirek ni Dingdong.

Ilang showbiz celebrities kanya-kanyang paandar sa Father’s Day

Kanya-Kanya ring paandar ang ­ilang showbiz celebrities sa selebras­yon ng Father’s Day kahapon.

Si Judy Ann Santos, idinaan ang pagbati nila ng tatlong anak sa asawang si Ryan Agoncillo sa pamamagitang ng sinulatang Manila paper bilang pagbati sa asawa.

Sa isang post kung saan nakahiga sa dibdib ni ­Ryan sina Lucho at Luna, nakasaad sa post ni Juday ang, “Happy father’s day my love! Thank you for all that you are...we love you big, big much!”

“Salamat sa pagtanggap sa mga kalabisan at mga kakulangan. Mahal na mahal kita at ang ating mga anak. Now please can I smell the back of your ears again, it’s already been almost 7 hours,” komento ni Ryan dahil mga anak ang naaamoy niya sa litrato at hindi si Juday, huh!

Si Mariel Padilla naman, may regalong flowers at balloons kay Robin Padilla habang kinakalikot ito ng anak nilang si Maria Isabelle sa pic na pinost niya sa IG.

Throwback naman si Ogie Alcasid sa picture niya sa IG kasama ang dalawang anak kay Michelle Van Eimeren nu’ng tsikiting pa sila. Emo naman ang mensahe sa kanya ng anak na si Leila.

“Despite not growing up together, the relationship I had with my dad is invaluable in every sense of the word. We parted when I was a little girl and picked up right where we left off when I grew up. Any memories we would’ve missed out on making, we’re making now, and it’s wonderful,” bahagi ng Father’s Day message ni Leila.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with