^

Pang Movies

Kris nagpapayaman sa negosyong pagkain

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kris nagpapayaman sa negosyong pagkain
Kris Bernal

Ambitious and driven ang dalawa sa mga description ni Kris Bernal sa kanyang sarili.

In fairness, akma naman sa kanya ang mga salitang ‘yon dahil talaga namang maraming pangarap sa buhay ang Kapuso actress at guma­gawa siya ng paraan para matupad ang mga ‘yon.

Ilang businesses na rin naman ang pinasok ni Kris.

Sa ngayon, mas tutok talaga si Kris sa food business.

Ang maganda sa kanya, pinupulsuhan niya ang bawat location ng kanyang food business.

Sa pakikipagtsikahan ko sa kanya lately, ‘yung food business niya sa ilang food parks ay inililipat-lipat niya dahil alam niya kung humihina na ang isang location niya at kung saan naman puwedeng lumipat.

May isang location nga siya na inaabang-abangan para sa Korean restaurant niya.

Sabi ni Kris, feel niya ay magki-click ang Korean food sa lugar na ‘yon, kaya gusto niya na roon ilagay ang bubuksang Korean restaurant, pero wala pa nga lang daw bakanteng unit, kaya wait lang daw muna siya.

Kamakailan nga pala ay bumili rin ng bahay sa California si Kris kung saan based ang isa niyang kapatid na babae na dinalaw pa niya after ng isang Kapuso event malapit doon.

Sabi ni Kris, katulong niya sa pagbili ng bahay na ‘yon ang kanyang pamilya.

Parang investment na rin nila ang bahay na ‘yon.

Ang pagbili nga yata ng properties at pag­bi-business ang mas tinutu­tu­kan ngayon ni Kris dahil tapos na ‘yung mga panahon na sa mamahaling bags and shoes na­pu­punta ang kanyang mga kinikita.

?Actress nagsawa ?sa ?pagiging cougar sa ?hunky boyfriend

Mukhang nagsawa na sa pagiging “cougar” ang showbiz celebrity na ito na nanggaling sa fashion world.

Wala na kasi sila ng much-younger hunk boyfriend niya.

Kung last year ay halos hindi sila mapaghiwalay at madalas pa ngang sweet kahit in public, ngayon naman, loveless na si showbiz celebrity,

Wala na raw siyang pa­nahon para mag-boyfriend.

Sayang, yummy-licious pa naman ang hunk boyfriend ni showbiz celebrity, kaya nakakapagtaka na hiniwalayan siya ni showbiz celebrity, huh!

Sandy enjoy sa Vancouver

Nasa Vancouver, Canada pa si Sandy Andolong at nagsu-shooting ng pelikula nina Bea Alonzo at Aga Muhlach.

Hindi naman araw-araw ang shooting niya, kaya noong isang araw na ka-text ko siya, magwe-whale watching daw siya.

Ang anak niyang si Mica ang kasama niya sa pagwe-whale watching dahil may shooting sina Bea at Aga noong araw na ‘yon.

Malamang na hanggang Friday na lang ang shooting niya sa Vancouver dahil sa Saturday ay papunta na sila ni Mica sa San Francisco, California.

Sa anak niyang si Miguel na based doon mag-stay si Sandy.

Aktor, ‘di naligo ng tatlong araw para sa gagampanang role

Matino na kaya ngayon ang aktor na ito na some months back ay very weird ang mga ikinikilos.

Kuwento kasi sa akin ng isang nakasama niya sa isang project, noon daw gumanap ito ng isang character na marumi, minsan daw, tatlong araw na hindi naliligo at nagpapalit ng damit si aktor.

Gusto raw kasi niyang ma-feel ang role sa proyektong ginagawa niya.

Siyempre, naloka sa kanya ang co-star na ‘yon.

“Puwede naman niyang i-feel ‘yung role niya na maliligo at magpapalit pa rin siya ng damit at hindi ‘yung mabaho na rin siya in real life!” kuwento sa akin ng co-star ni aktor.

Oo nga naman, parang kadiri naman si aktor sa ginagawa niya para lang ma-feel ang kanyang role, ‘noh?!

vuukle comment

KRIS BERNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with