^

Pang Movies

The Juans nakilala sa Sid & Aya

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Humahataw ngayon sa OPM scene ang bandang The Juans. Patok sa mga millennial ang kanta nilang Darkness Fell na ginamit din sa pelikulang Sid & Aya (Not Love Story) kaya mas tumatak at naging relatable sa fans.

Ang nasabing kanta ang trip pakinggan ng millennials habang umuulan gaya ng eksena sa Sid & Aya.

Bale ba ang original na kumanta nito ay ang Wolf Gang na si Basti Artadi ang vocalist. Kaya hindi maiaalis ng ilan na ikumpara ito sa version ng The Juans. Siyempre mas astig ang original version ng Wolf Gang ng nasabing single sa kanilang pagiging henyo pagdating sa rakrakan. 

Pero in fairness sa bandang The Juans ay muling napansin ang single ng mga tao. Buti na lang ay mga gwapings ang members ng The Juans na sapat na sa fans na kinikilig sa kanilang boses.

Malakas pa rin ang hatak ng nasabing kanta na lagi mong maaalala ang magandang movie na Sid & Aya.

THE JUANS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with