Coco Martin
Probinsyano extended na naman
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

Did we hear it right, Salve A.? posible raw na ma-extend ang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa iginawad na parangal ng FAMAS Awards kay Coco Martin, ang FPJ Memorial trophy.

Napabalita kasi na by October ay tatapusin na ang seryeng umere ng mahigit dalawang taon sa telebisyon. Pero ngayon daw ay baka sa end of the year na ito magtapos.

In fairness, timely ang subject na tinatalakay, lalo’t may kinalaman sa political issue. Sa mga current episodes na ipinalalabas.

Well, watch natin si Edu Manzano na mag-evolve as the next effective kontrabida, ang susunod kay Eddie Garcia.

Of Eddie G. ibabalik raw ang kanyang karakter na dating ginagampanan sa Ang Probinsyano? Or totoo kaya ang balitang may sakit siya ngayon?

Eddie’s now in his mid-80’s.

Anne inuulan ng suwerte!

Walang duda ngang sinusuwerte si Anne Curtis nga­yon sa personal niyang buhay at propesyon.

Tingnan n’yo naman ang buhay may asawa ni Anne, ta­lagang blooming siya at masaya sa piling ng kanyang asawa na si Erwan Heussaff, habang ang kanyang career naman ay lalo ring gumaganda pa.

Kumpirmadong top grosser ang pelikulang showing pa rin ngayon sa mga sinehan, ang Sid and Aya (Not A Love Story) nila ni Dingdong Dantes na idinirek ni Direk Irene Villamor na Viva Films ang nag-produced.

Ayon sa kanya, sa loob ng tatlong linggo pa lang ng Sid and Aya sa mga sinehan, kumita na raw ito agad ng mahigit 150 million.

Sa June 29 naman hanggang July 15 ipapalabas ang pelikula nila ni Erik Matti na isang action thriller, titled Buy Bust sa New York Film Festival at sa mga sinehan abroad.

Sasabak dito si Anne sa matitinding fight scenes kasama ang martial art expert na si Brandon Vera. Parte rin ng pelikulang ito sina Joross Gamboa, Nonie Buencamino, Mara Lopez, AJ Muhlach at Victor Neri.

May nakatakda ring gawing horror flick si Anne, na kung matutuloy daw ay maipapalabas bago magtapos ang taon, ang Aurora.

Yet, ang most excited para kay Anne ay ang kanyang concert na ipo-produce on August ng Viva Entertainment.

And no need to tell you na rin siguro kung gaano karami ang kanyang endorsements na nakapangalan sa kanya.

Gloria R. hindi kumukupas ang ganda kahit 80 na

Maganda pa rin talaga si Gloria Romero sa edad niyang 80. Ayon sa kanya, hindi raw siya tabain kahit kung minsan ay napapalakas siyang kumain.

Kasalukuyang may show siya ngayon sa GMA 7, titled Daig Kayo Ng Lola Ko.

Natutuwa si Gloria nang makasama niya ulit ang kanyang fellow former Sampaguita stars sa tribute and awards ceremony ni Manay Ichu dahil sa kanyang kontribusyon sa local film industry na handog ng FDCP sa pangunguna ni Chairperson Liza Diño-Seguerra.

Si Manay Ichu ay biyuda ni late Senator Ernesto Maceda at panganay ng founder and owner ng Sampaguita Pictures at Vera-Perez Pictures na si Dr. Jose Perez.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with