Anne Curtis
Dalawang pelikula ni Anne pasok sa New York Asian Filmfest!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

Hindi dapat palampasin ni Anne Curtis ang pagrampa sa New York Asian Film Festival na magaganap ngayong June 29 hanggang July 15 dahil ang movie niyang Buy Bust ay magkakaroon ng world premiere doon.

Matatandaang unang binalak na magkaroon ng screening sa Cannes Film Festival ang action-packed movie pero may hindi pinagkasunduan ang Netflix at organizers ng festival kaya nabulilyaso ang screening nito.

Ayon sa reports, napili itong closing film ng festival na tinaguriang ambitious action film sa local cinema dahil sa presence ng 3,000 stuntmen at umaatikabong barilan at sabugan.

Kasama ni Anne sa joint production ng Viva Films at Reality Entertainment sina Brandon Vera, Nonie Buencamino at Victor Neri. Sa August 1 naman ang showing sa bansa ng Buy Bust.

Bukod sa Buy Bust, magkakaroon din ng screening sa festival ang Sid & Aya ni Anne pati na ang mga movies na Neomanila na gawa ni Mikhail Red, Respeto ni Treb Monteras at We Will Not Die Tonight ni Richard Somes.

Alden nagpadungis na

Hasang-hasa na ang pagiging action star ni Alden Richards sa coming series niyang Victor Magtanggol. Sa behind the scenes photos sa nakaraan niyang taping, may mga action routines siyang ginawa habang nasa loob ng palengke, huh!

Sa hitsura ng Pambansang Bae, dinumihan at dinungisan ang hitsura niya sa eksena. Sa bago niyang character, tapos na ang pakyut at papogi roles niyang ginawa sa nakaraan niyang series.

Wala namang keber si Alden kung dumihan siya sa mga eksena dahil bakas sa mukha niya ang enjoyment sa pag-execute ng action scenes, huh!

Sa parte naman ng fans ni Alden, mas aprubado naman ang pagsosolo niyang ito basta hiling lang nila ay wala siyang kissing bed scene sa kanyang leading lady, huh!

Nainis sa bumatikos sa lol video, Gretchen itinigil na ang kawanggawa sa IG

Sorry na lang sa gustong humingi ng tulong kay Gretchen Barretto at sa kanyang mga kaibigan via her Instagram.

Nagdesisyon na si Greta at friends niyang tumigil na sa pagbibigay ng tulong  matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan nila kaugnay ng laugh out loud incident nilang nag-viral sa social media.

Apektado na raw ang friends ni Gretchen sa nangyari na pawang private citizens. Pero bawi niya, magbibigay pa rin siya ng tulong pero sa ibang paraan na. Naging judgmental agad kasi ang ilang bashers nila eh wala naman silang intensyong makasakit sa insidenteng nangyari. Humingi na rin kasi ng sorry ang netizen na nagpadala ng sulat at nagkaintindihan na sila ng letter sender na nahuli nga sa video na pinagtatawanan nilang magkakaibigan.

ANNE CURTIS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with