Dingdong Dantes
Dingdong nakaraos sa depression!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

Aminado si Dingdong Dantes na naranasan na rin daw niya noon ang depression at burn-out at masuwerte raw siya dahil may mga taong nasa tabi niya para malampasan niya ito.

“Masuwerte ako dahil ‘yung manager ko (Perry Lansigan), nandiyan, ‘yung mga kaibigan ko. Kinakailangan kasing marating mo ‘yun, eh. Kinakailangang ma-experience mo ang breakdown para ma-appreciate mo ang isang breakthrough.

“Otherwise, magiging meaningless siya dahil kung puro magaganda ang mangyayari, hindi mo mage-gauge ang pagkakaiba if you reach rock bottom, di ba?” pahayag ni Dong at the presscon of his new show on GMA 7, Amazing Earth.

Kaya nga payo niya, “when that time comes, just make sure that you have people around you na tutulong sa ‘yo, na gagabay sa ‘yo, na magi-inspire sa ‘yo, na hihila sa ‘yo pabalik. Ganu’n lang naman ‘yun.”

Sa ngayon, kahit sobrang happy and contented ni Dingdong sa kanyang career at family life, siyempre, hindi pa rin daw niya masasabing hindi na ito pwedeng mangyari ulit sa kanya.

“Lahat, pwedeng mangyari. Ako kasi, naniniwala ako na lahat ng ito, eh, bahagi ng isang proseso na ako’y natututo pa rin. I’m still part of an evolving process na wala namang sigurado, wala namang simple, walang mahirap, pero magkakaron at magkakaroon ng mga pagsubok and you just have to be prepared,” he said.

Nagpapasalamat na lang si Dong na as an artist, iba-iba ang kanyang ginagawa tulad na nga lang dito sa Amazing Earth, maghu-host naman siya matapos mag-aksyon sa Alyas Robinhood. Iba rin naman ang ginawa niya sa pelikulang Sid & Aya (Not a Love Story).

Sa Amazing Earth, ani Dong ay makikita naman ang kanyang adventurous side as he showcases the unseen beauty of planet Earth. Ipakikita niya ang extraordinary and exceptional wildlife from all over the world at dadalhin din niya ang manonood sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas from its natural formations and all types of terrains to its fascinating flora and fauna.

Mapapanood every Sunday ang Amazing Earth pagkatapos ng 24 Oras Weekend on GMA Sunday Grande simula sa Linggo.

Tommy maligaya sa foreigner na ipinalit kay Miho

Spotted si Tommy Esguerra sa Megamall the other day na naggo-grocery kasama ang bagong foreigner girlfriend. In fairness, ayon sa friend naming nakakita sa kanila, maganda raw ang girl, even prettier than ex-girlfriend Miho Nishida.

Kwento nga ng friend namin, panay daw ang PDA (public display of affection) ng dalawa at mukhang maligaya na ang model turned actor sa piling ng bagong GF.

Matatandaang last year ay naging issue ang break-up nila at umiyak pa si Tommy dahil nahihirapang maka-move on.

Time heals all wounds talaga dahil even Miho has found a new love. Months ago ay umamin sila ni Young JV Kapunan na exclusively dating sila.

Katrina inalala ang maliit na katawan

Panay ang post ni Katrina Halili ng kanyang throwback ng sexy photos sa kanyang Instagram account. Ito ay ang mga larawan niya noong wala pa siyang anak, pagka-sexy-sexy at pana­hon ng pagrereyna niya bilang FHM’s Sexiest Woman.

Sa latest post nga niya, aside from her sexy photo ay nakatawag ng pansin namin ang caption ni Katrina sa isa niyang sexy photo.

“No matter what you’re going through, there’s a light at the end of the tunnel and it may seem hard to get to it but you can do it and just keep working towards it and you’ll find the positive side of things. -Demi Lovato,” ang caption ni Katrina.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang napakabigat ding pagsubok na dinaanan ni Katrina noong 2009 pero ang maganda, naging matatag ang aktres at bumangon mula sa pagkakadapa.

And in fairness to her ha, bumalik na rin ang dati niyang kaseksihan base na rin sa mga latest photos na ipinopost niya.

DINGDONG DANTES
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with