Gabby Concepcion
Gabby bibida sa Father’s Day
(Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Paano kaya maililigtas ng isang ama ang kanyang kaisa-isang anak na menor de edad na babae na dinukot ng isang malaking sex and human trafficking syndicate?

Ngayong Sabado, handog ng Magpakailanman ang isang Father’s Day special episode. Tunghayan ang isang naiibang action drama tungkol sa totoong kuwento ni Raul, isang ama na susuungin ang kamatayan para iligtas ang kanyang teenager na anak na si Grace na walang awang dinukot at ibinenta ang puri sa isang malaking sindikato.

Itinatampok sa episode na pinamagatang Ibalik Mo Sa Akin ang Anak Ko sina Gabby Concepcion bilang Raul at Inah de Belen bilang Grace. Kasama rin sina Valerie Concepcion bilang Linda, Chinggay Riego bilang Mila, Tom Olivar bilang Carding, Analyn Barro bilang Sonya, Raul Russo bilang Eleazar, Jon Achaval bilang General Diaz at Kiko Matos bilang Gardo.

Saan kaya hahantong ang pagmamahal ng isang ama para ipaglaban at protektahan ang kanyang anak na nahaharap sa isang malagim na kapahamakan?

Mula sa direksyon ni LA Madridejos, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

GABBY CONCEPCION
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with