Chavit Singson
North Korea magpapadala ng representative sa Miss Universe 2018!­­
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

Idinenay ni Papa Chavit Singson ang tsismis na nalugi siya sa business deal nila ng Miss Universe Organization noong Ja­nuary 2017.

Nakausap ko kahapon si Papa Chavit sa cellphone dahil hindi ako nakapunta sa presscon na ipinatawag niya sa kanyang mansyon sa Corinthian Gardens.

Ang paglilinaw na hindi siya nalugi sa 65th edition ng Miss Universe ang sinabi ni Papa Chavit sa mga reporter na dumalo sa presscon.

Pero kinumpirma ni Papa Chavit na may pautang siya na worth P100 million dahil hindi pa nagbabayad ang ibang mga nakipagsosyo sa kanya.

Tumanggi si Papa Chavit na mag-mention ng mga pangalan, kahit may mga sinabi na kompanya ang mga reporter na updated sa mga isyu. Ang clue, nagsisimula sa letter S ang name ng mga kompanya na may malaking utang kay Papa Chavit.

Dinedma ni Papa Chavit ang mga pangalan na binanggit ng mga reporter dahil hoping siya na magbabayad ang mga may utang, kahit medyo natatagalan. Tiniyak din ni Papa Chavit na hindi hahantong sa korte ang paniningil niya sa hindi pa binabayaran na utang.

“Awa ng Diyos, hindi pa rin ako bayad. Ayokong magbanggit pero malaking company. Meron pang balance, maraming rason.

“I don’t want to name names pero alam nila yan. Marami pa ring kulang. Meron pa akong hindi nasingil na more than one hundred million pesos, two million dollars...

“Mahirap magbanggit...mga kaibigan ko. Nakikipag-usap pero pareho rin ang rason so hindi ko naman minamadali. Sigurado naman yan magbabayad kaya lang delayed,” ang pralala ni Papa Chavit na may big revelation, may participation pa rin siya sa Miss Universe 2018 kaya may communication pa rin sila ng mga big boss ng Miss Universe Organization kahit na sinabi na ni DOT Sec. Berna Romulo Puyat na malabo nang matuloy ang Miss Universe 2018 sa bansa.

Nakakaintriga ang pralala ni Papa Chavit na may chance na sumali sa Miss Universe 2018 ang North Korea dahil may suggestion din na idaos sa South Korea ang nasabing beauty pageant.

Ikinuwento ni Papa Chavit na nakita na niya ang mga babae sa North Korea at mas beautiful sila kesa sa girls ng South Korea.

Kapag natuloy ang pagsali ng North Korea sa Miss Universe, sure na big news ito dahil sa dami ng mga pagbabago na nagaganap sa pamumuno ni President Kim Jong-un sa kanyang kontrobersyal na bansa.

CHAVIT SINGSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with