Controversial actress nilalayuan ng friends!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

Sa event pala ng isang controversial actress, maraming nakapansin na isa sa mga kaibigan niyang celebrity na nag-join doon ang wala man lang picture na kasama siya.

Nang may magtanong sa celebrity na ‘yon (na winner ng isang reality TV show), inamin niyang umiwas talaga siyang pumunta sa may VIP area dahil ayaw niyang makunan ng picture na kasama si controversial actress.

It turned out na kaibigan pala ni reality TV show winner ‘yung legitimate na karelasyon ng isang lalaking nali-link kay controversial actress.

Ayokong makunan ng picture na kasama siya, nahihiya ako kay _____ (pangalan ng kaibigan),” sey ni reality TV show winner.

Ang ibang mga kaibigan naman ni controversial actress, medyo dumidistansya na rin pala sa kanya dahil unti-unti na ring naglalabasan ang katotohanan tungkol sa latest tsika nga kay controversial actress.

‘Yung isa nga, nag-dialogue pa ng, “Hindi talaga kasi namin alam kung ano ang paniniwalaan, panay ang deny niya, pero iba naman ang sinasabi ng mga tao.

“Better din na medyo umiwas kami, kasi baka akalain alam talaga namin ‘yung issue sa kanya at ipinagtatanggol pa namin siya.”

Well…

Raymond nasa Bali naman!

Pagkatapos ma-stress sa kanyang Paris, France trip dahil na-flat-an under a tunnel (with no mobile signal) ang kanyang ride-share service papunta sa airport na dahilan para hindi siya umabot sa kanyang flight pabalik ng Pilipinas, nasa Bali, Indonesia naman ngayon si Raymond Gutierrez.

Nang maka-text ko kahapon si Raymond, mukhang okey na naman siya.

Actually, sandali lang ang itinagal niya sa Pilipinas at nag-fly na nga uli pa-Bali.

‘Yung isang product endorsement shoot niya na na-pack up dahil sa hindi nga siya nakauwi kaagad ng Pilipinas ay na-moved lang daw ng ibang araw.

Dating sexy actor na si Edgar Mande sinunggaban ang offer ni Ronnie

Naka-chat ko naman kahapon via Facebook Messenger ang dating sexy actor na si Edgar Mande.

Kuwento niya, pabalik siya ng bansa mula sa Los Angeles, California, Hindi raw bakasyon ang gagawin niya dahil balik-showbiz siya.

Kasama raw siya sa comeback movie ng kaibigang si Ronnie Ricketts.

Pero mukhang may stable job naman sa Amerika si Edgar, kaya less than a month lang daw siya sa Pilipinas.

Aminado nga si Edgar na na-miss niya ang showbiz, kaya nang alukin ni Ronnie na makasama sa comeback movie nito ay nag-yes siya kaagad.

Baklitang singer inisnab-isnab si Sweet

Ang post kahapon ni John “Sweet” Lapus sa kanyang Facebook account. “Pero walang kakabog kay baklitang singer. 

As in almost 1 hour kami sa waiting area ng Araneta. Patigasan kung sino unang papansin kanino. Lahat ng pag kalkal sa cel ginawa na nya. Ako nagpose lang.”

Walang clue si Sweet, kaya ang hirap hulaan lalo na at maraming singers na natsitsikang baklita, ‘noh?!

RONNIE RICKETTS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with