^

PM Sports

Walang import sa MPBL - Pacquiao

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit lumobo na sa 26 koponan mula Luzon, Visayas at Minda­nao ay hindi muna papa­yagan ni Sen. Manny Pac­quiao na magkaroon ng imports ang Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa ngayon.

“Wala munang imports. Kasi nasasapawan ang mga Pilipino talents natin. Sa ngayon marami na ang nakapaglaro ulit dahil sa MPBL. Ac­tually, nagkaubusan na nga ng players dahil sa MPBL,” ani Pacquiao.

Ayon naman kay MPBL Commissioner Ken­neth Duremdes, ang paningin ng home and away league ay para ma­bigyan ng pagkakataon ang mga home grown talents na maipakita ang ka­nilang husay.

Samantala, ipinakita ng Anta Rajah Cup champion na Batangas Ath­letics ang kanilang seryosong asam sa titu­lo matapos padapain ang Quezon City, 95-90, habang nagwagi ang Caloocan laban sa ba­guhang Pasig Pirates, 91-81, sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Datu Cup noong Mi­yerkules ng gabi sa Caloocan City Sports Complex.

Umiskor si Bong Ga­lanza ng game-high na 28 puntos at ang da­ting Ginebra Kings na si Dennice Villamor ay umani ng 20 puntos at 12 rebounds para sa Athletics.

vuukle comment

MAHAR­LIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

MANNY PAC­QUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with