Aki at Paolo
Anak ni LJ gaya gaya na kay Paolo
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - June 14, 2018 - 12:00am

Ano kaya ang reaksyon ni Paulo Avelino sa paggaya ng kanyang anak na si Aki sa kalbo look ni Paolo Contis?

Lumalabas na mas iniidolo ni Aki ang boyfriend ng kanyang ina kesa sa sarili niyang ama.

Sobrang close kasi ang anak ni LJ Reyes sa boyfriend nitong si Paolo kaya hindi nakakapagtaka na gayahin ng bata ang hitsura nito.

Sa Instagram ni Paolo, pinost niya ang twinning kalbo nila ni Aki.

“Sabi mo sakin gusto mo kalbo ang summer look mo kasi mainit! Sakto yung timing mo, bumabagyo! wag tayo masyado mag tabi ha?? Mukha tayong dalawang itlog!” caption pa ni Paolo.

Natuwa naman si LJ sa pagiging close ng da­lawa at nag-share pa ito sa IG nang pangungulit ni Aki na magpakalbo ito tulad ng kay Paolo at sa basketball idol nitong si LeBron James.

Kevin proud sa gagawing lampungan kay Direk Joel

Thankful ang Kapuso hunk at miyembro ng One Up na si Kevin Sagra dahil sa pagkakasama niya sa cast ng indie film na School Service na isa sa mga official entries ng Cinemalaya 2018.

Makakatrabaho ni Kevin sa School Service sina AiAi delas Alas at Joel Lamangan. Mula naman ito sa direksyon ni Louie Ignacio.

May mga daring scenes daw si Kevin dito kasama si Direk Joel Lamangan na gaganap bilang isa sa mga leader ng sindikato. Wala naman daw problema kay Kevin na gumawa ng daring scenes at pinaghandaan niya ito ng husto.

Naging contestant sa StarStruck 6 si Kevin at umabot ito sa Top 10.

Hollywood actor na si Vince Vaughn, nakalabas ng kulungan

Pansamantalang nakalaya ang Hollywood actor na si Vince Vaughn pagkatapos itong magpiyansa ng $5,000 dahil sa kinaso sa kanya na DUI or Driving Under the Influence.

Inaresto ang aktor na nakilala sa mga comedy films na Swingers, Wedding Crashers, The Internship, Fred Claus at Old School noong nakaraang Sunday sa Los Angeles dahil sa salang drunk driving at resisting arrest.

Pinag-sobriety test ang 48-year old actor pati na ang kasama nitong male friend sa kotse. Noong bumagsak sila sa sobriety test, dinakip sila sa Manhattan Beach police at kinasuhan ng DUI. Agad na nilabas sa media ang mugshot nito.

Nanggaling sa isang bar si Vaughn at ang kaibigan nito kaya sila intoxicated.

Kabilang pa sa mga kaso ng aktor ay ang resisting, delaying or obstructing officers.

AKI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with