Sarah
Sarah yayanigin ulit ang Big Dome!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 14, 2018 - 12:00am

Hindi pa sinasabi kung kailan, pero definite nang magkakaroon daw ng concert ulit si Sarah Geronimo sa Big Dome. Hindi rin maliwanag sa amin kung iyan ay isang repeat ng kanyang anniversary concert o panibagong concert na.

Noong matapos ang kanyang anniversary concert, inulan na sila ng request na magkaroon ng repeat performance si Sarah, at marami ang nagalit nang hindi nila mapagbigyan. May nagsasabi pang mali naman sila dahil isang gabi lang ang ginawa nilang concert at dahil doon marami ang hindi nakapanood. Kumakagat na ang mga fans noon kahit na sa black market na hawak ng mga scalpers sa Cubao, pero maging ang mga iyon ay naubusan din.

Hindi naman nila mapagbigyan ang fans ng repeat dahil may US tour na si Sarah. Isa pa bagsak na rin sa pagod si Sarah, na naging dahilan nga ng kanyang sandaling break down sa Las Vegas.

Ngayon namang nakapagpahinga na si Sarah, siguro nga maaari na siyang gumawa ng repeat, o kung hindi man, isang bagong concert para muli pang manood ang mga nakapanood na noon. Kung bago ngang concert iyan, tiyak hihingi na naman ang repeat ang fans na hindi naman nagkakasya talaga sa Big Dome.

Sa ngayon sinasabi ngang mukhang si Sarah lang ang concert artist na siguradong makakapuno ng isang malaking venue. Marami kasi ang natatakot sumabak dahil na nadarama nating inflation at alam naman ninyo na sa mga ganyang sitwasyon na medyo humirap ang buhay, ang unang binabawasan ng mga tao ay ang gastos sa entertainment. Pero sinasabi nga nila, mukhang basta si Sarah, nakakalimutan ng mga fans ang magtipid.

Datung lang ang mahalaga, Coco at Vice wala raw personalan ang banggaan sa MMFF

Hindi na nga yata maiiwasan ang kumpetis­yon nina Vice Ganda at Coco Martin na pareho nang naghahanda para sa Metro Manila Film Festival. Pero nilinaw ni Coco, walang personalan iyon. Nagkataon lang na pareho silang nag-iisip ng paraan para bigyang kasiyahan ang publiko.

Si Coco, sinasabing sasama sa pelikula ni Vic Sotto. May umuugong ding balita na makakasama sa pelikulang iyan si Maine Mendoza. Matatandaang unang tinalo ni Vice si Vic Sotto nang makasama niya sa isang comedy film si Coco. Last year, nagbanggaan din ang tatlong box office stars. Nanalo si Vice, pumangalawa lamang si Coco at naging pangatlo si Vic Sotto. Pero ang sinasabing factor doon, kasama ni Vice ang isa pang malaking star, si Daniel Padilla.

SARAH GERONIMO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with