Kris
Kris sinupalpal ang pinsan!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 14, 2018 - 12:00am

Sinagot ni Kris Aquino ang sinabi ng pinsan niyang si Sen. Bam Aquino sa isang interview na kung tatatakbo siyang Senador sa susunod na eleksyon ay mananalo siya.

Sa kanyang Instagram post kahapon ay nagpasalamat muna si Kris sa pinsan at saka ipinahayag na hindi talaga siya pwedeng tumakbo tulad ng lagi niyang sinasabi.

“@bamaquino Thank you... But you do realize i’ll vio­late the contract i signed w/c your wife @timiaquino negotiated if i run for any elective post in 2019?,” simula ng post niya sabay banggit sa mga ini­endorso niyang produkto.

 “Marami pang ibang contracts pero ma bo-bored na kayo reading the list & i’m afraid of violating non-disclosure agreements.

“To all those who continue to love & support me- please join me in being super grateful to these companies for truly believing in my trustworthiness & credibility.

“Totoo naman po- MAY TAKOT AKO. Takot akong sirain ang aking palabra de honor (Word of Honor) & gibain ang pakiramdam kong mga dapat kong ipagmalaki- marunong akong tumanaw ng utang na loob at may #LOYALTY ako sa mga nagbigay ng trabaho at tiwala sa kin,” ang nilalaman ng post ni Kris.

Well, agree naman kaming hindi dapat talagang tumakbo pa si Kris. Hindi pa panahon. Sa ngayon, okay na okay na where she is now at hindi namin siya ma-imagine na nasa Senado.

JM pumiyok na nakalaya sa dilim

“My shadow days are over now.” Ito ang post ni JM de Guzman sa kanyang IG account na maliwanag na isang deklarasyon na tuluyan na nga siyang naka-recover mula sa pinagdaanang problema na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung ano.

Inulan ng katakut-takot na papuri at pagbati ang deklarasyong ito ni JM at marami ang natutuwa para sa kanya.

Marami rin ang nagbigay sa kanya ng suporta at words of encouragement na sana’y magtuluy-tuloy na talaga ang kanyang pagbabago.

Isa rin kami sa natutuwa na nakaba­ngon na si JM at wish din namin na talagang magtuluy-tuloy ito. Isa siya sa pinakamagagaling nating aktor at sure kaming marami pang magagandang oportunidad na darating sa kanya in the future basta huwag lang siyang mapapariwara ulit.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with