Pia & Sec. Berna
Miss Universe 2018 ‘di na tuloy sa ‘Pinas!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 14, 2018 - 12:00am

Wala na talagang pag asang matuloy ang Miss Universe 2018 sa bansa.

Kuwento ni Tourism Sec. Berna Romulo Puyat nang maka­tsikahan namin yesterday sa isang get together sa ilang friends nila ng sister niyang si Mons Tantoco sa entertainment press, walang extra budget para rito.

Say pa ni Sec. Berna, hindi na advisable dahil katatapos nga lang nung 2016 ng Miss U dito sa atin.

Pinag-uusapan ang Miss Universe 2018 na dito gaganapin bago tinanggal sa position si Sec. Wanda Teo itinalaga siyang kapalit Pangulong Duterte.

“Ok lang naman nun 2016 kasi si Pia (Wurtzbach) naman talaga,” sabi ni Sec. Berna.

Buy bust nina Anne at Brando sasalang sa ny FilmFest

Hindi man natuloy sa Cannes Film Festival, mapapanood naman ang pelikulang Buy Bust nina Anne Curtis and Brandon Vera sa gaganaping New York Asian Film Festival sa New York June 29 to July 15. 

Naka-recover na raw sa budget ang pelikulang ito dahil na sobrang laki ng matapos bilhin ng Netflix.

So jackpot na sila.

BERNA ROMULO PUYAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with