_pang-masa
^

Pang Movies

Erwin umayaw magsenador!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Erwin umayaw magsenador!
Erwin Tulfo

Matindi ang pagtanggi ng kilalang radio host at writer na si Erwin Tulfo sa napapabalitang tatakbo raw siya bilang senador sa nalalapit na 2019 elections, kahit pa raw sa mga kasalukuyang survey na lumalabas ay pang-pito isa sa mga posib­leng manalo.

Hindi rin niya pinansin ang mantra ng kanyang mga supporter na kailangan daw ng bansang Pilipinas ang isang tulad niya sa senado.

Ang pinaka-importante raw sa kanya ngayon ay ang kanyang upcoming show sa PTV4 kung saan magsisilbi siyang news anchor kasama sina Lad Augustin at Loy Oropesa bilang kanyang co-anchor.

Isang one hour program ito na ie-ere sa PTV4 tuwing Sabado na may title na Ronda Patrol Alas Pilipinas kung saan ang mag-asawang sina Matt at Queenie Ureta ang nag-produced.

Parehong public service at public affairs show na ang pangunahing layunin ay magkaroon ang kanilang mga tagapakinig ng pagkakataong mangarap, matuto, at ma­ging kapaki-pakinabang na ma­ma­mayan ng bansa.

Ang portion naman na Rainbow ng Buhay ko ay layuning ma-uplift ang spirit ng bawat manonood.

Pagtakbo ni VM Joy bilang mayor sure na sure na, katambal si Gian

Tiyak na ang pagtakbo ni Vice Mayor Joy Belmonte bilang Mayor ng Quezon City, na pinangu­ngunahan pa rin ni Mayor Herbert Bautista para sa darating na eleksyon sa 2019.

Ang napipisil naman nilang papalit sa iiwanang posisyon ni VM Joy ay si Gian Sotto na kasaluku­yang nagsisilbi bilang councilor ng third district ng QC.

Si Councilor Gian ay ang nag-iisang anak na lalaki ni Senate President Tito Sotto at aktres na si Helen Gamboa.

Samantala, hinihintay pa ang sagot ni Mayor Herbert sa balitang tatakbo rin siya bilang senador sa darating na halalan.

Enrique wala sa Darna?!

Kumpirmado na rin ang pagsasapelikula ng Darna at ang gaganap ay si Liza Soberano nga, mismong nanggaling na ito kay Direk Erik Matti na namamahala sa project.

Hindi pinagkakaila ni Direk Erik na ‘pinakikialaman’ siya ng halos lahat ng may kinalaman sa pelikula. Yes, including sa mga costumes na gagamitin ni Liza bilang Darna. At ‘di tulad ng napapabalita, walang angal si Liza sa kung anumang gustong ipagawa ni Direk Erik sa kanya.

Tulad ni Direk Erik at ng Star Cinema, gusto rin daw niya na maging kakaiba sa lahat ng pelikulang Darna na nagawa na.

Tikom pa ang bibig ni Direk Erik at ng Star Cine­ma kung sinu-sino ang iba pang artistang gaganap sa mga importante roles, lalo na sa papel na Ding at Narda.

Duda naman ang marami na si Enrique Gil ang gaganap na leading man ni Liza.

Ang dalawa ay kasalukuyang bumibida sa seryeng Bagani.

John tinutularan ang ama

Guess what kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ni John Lapuz bukod sa pagiging regular niya sa serye nina Arci Muñoz at Piolo Pascual kasama sina Alessandra de Rossi, Empoy Marquez at JC de Vera na Since I Found You.

Well naghahanda lang naman siyang maging full-time na direktor ng TV at pelikula.

Ilan lang nakakaalam na ang yumaong tatay ni John na si Jojo Lapuz ay isang mahusay na scriptwriter noong kanyang kapanahunan at nagdidirek din ng mga pelikula.

Inani ni John ang title na ‘Universal Sweet’ bilang isang komedyante.

“Sweet kasi as can be in real life.” Ani John.

ERWIN TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with