^

Pang Movies

Mga reyna ng Viva nagsama-sama!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga reyna ng Viva nagsama-sama!

Ang ganda-gandang tingnan ng litrato ni Boss Vic del Rosario, kasama ang mga Reyna ng Viva, sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Regine Velasquez at Sharon Cuneta.

Si Sharon ang kauna-unahang reyna ng Viva Films dahil blockbuster ang mga pelikula na ginawa niya noon sa kanyang dating mother studio.

Bongga rin ang resulta sa takilya ng mga pelikula ni Regine sa Viva kaya siya ang binansagan noon na local Julia Roberts dahil hit ang lahat ng mga romantic at feel good movies nito.

Siyempre, alam nating lahat na namamayagpag ngayon ang mga career nina Anne at Sarah, hindi lamang sa TV at pelikula dahil in demand din sila bilang mga product endorser.

Aminado si Anne na sintunado siya pero pinapanood ang kanyang mga concert, tulad ng pagtangkilik ng publiko sa lahat ng mga concert ni Sarah.

Wondering ang fans kung kailan magkakasama sa isang pelikula ang apat na reyna ng Viva dahil kapag nangyari ito, sure blockbuster ang project nila.

Sa apat na reyna ng Viva, ang pagiging singer-actress ang common denominator nina Sharon, Regine at Sarah pero sabi ko nga, hindi magpapatalbog si Anne dahil singer-actress na rin ang kategorya niya kesehodang marami ang nagsasabi na wala sa tono ang kanyang boses.

Ara hindi pa inuurungan ng ‘inagawan’

Ang akala ng mga tsismosa, tapos na ang isyu tungkol sa government official na hiniwalayan ng kanyang fiancée dahil nadiskubre nito ang alleged secret love affair nila ni Ara Mina.

Mali ang mga akala dahil biglang naglabas ng statement noong June 9 si Ate Girl na may pangalan na kaya hindi na pahulaan ang identity na reason para makumpirma na totoo ang lumabas at pinagpistahan na blind item na parang script ng isang pelikula.

Siya ay si Rina Navarro na may showbiz connection din dahil siya ang produ ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo, ang pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival noong 2014.

Biyuda na si Rina bago niya nakilala ang government official dahil nalunod ang kanyang asawa habang nagbabakasyon sila sa Zambales. Twenty five years-old pa lang siya nang mamatay ang kanyang asawa at para kay Rina, ito na ang pinakamasakit na karanasan niya noon.

Hindi pala dahil ang sabi ni Rina, mas masakit ang betrayal na naranasan niya sa kamay ng isang girl na parang kapatid na ang kanyang turing pero diumano, lihim na nakipagrelasyon sa  fiancée niya.

Hurt na hurt si Rina pero madasalin siya na babae kaya inisip niya na blessing in disguise ang nangyari.

Positive thinker si Rina kaya kinundisyon nito ang isip na mabuti nang maaga niya na natuklasan ang lahat dahil mas masakit kung natuloy ang kanyang pagpapakasal at saka niya madidiskubre ang lahat.

Habang bumubuhos ang malakas na ulan na hatid ni Tropical Depression Domeng noong Sabado, June 9,  sinariwa ni Rina na isang buwan na ang nakalilipas buhat nang madiskubre niya ang betrayal  na ginawa ng mga tao na malalapit sa sa kanyang puso.

Ang paggunita ni Rina sa nangyari ang bahagi ng pagmove-on niya.

vuukle comment

VIVA FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with