^

Pang Movies

Jackie nawalan ng social life

Joe Barameda - Pang-masa
Jackie nawalan ng social life
Jackie Rice.

MANILA, Philippines — Hindi kayang magdalawang show o project si Jackie Rice. Kapag pala may show siya at merong major character ay binibigyan nito ng atensyon ang role na pinagagawa sa kanya. Gaya dito sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka kung saan siya ang kontrabida ni Yasmien Kurdi. Bago pa man daw siya dumating sa set ay kabisado na niya ang lines niya at alam na niya ang gagawin. Ang taping pa naman ay umaabot ng umaga. Kaya sa day-off niya ay maghapon siyang natutulog at nagrereklamo pa na wala na siyang social life.

Kaya nagpaplano siyang humingi ng bakasyon kapag natapos ang kasalukuyan niyang ginagawa. Nabanggit nga ni Direk Neal del Rosario na hindi nila expected na mae-extend ang show dahil sa mataas na ratings. Ang maganda pa daw sa teleseryeng ito ay para silang isang buong pamilya na nasa isang tent ang cast na panay ang bonding at chikahan na minsan ay nasisigawan na niya dahil kailangan sila sa blocking.

Bianca hinangaan sa pagdadalamhati

Isa sa pinakapinag-usapan sa Twitter kamakailan ay ang episode ng Kambal, Karibal kung saan inihatid na si Makoy (Jeric Gonzales) sa kanyang huling hantungan. Dito binuhos nang husto ni Crisan (Bianca Umali) ang kanyang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang parekoy. Sang-ayon kami hindi lang sa sinasabi ng mga netizens kundi pati na rin ng kapwa niya co-stars sa serye na nabigyang hustisya nito ang pagganap sa kanyang karakter.

Kaya naman nang minsan namin siyang tanungin kung anong masasabi niya kapag pinupuri siya ng mga beteranong artista, aminado si Bianca na nahihirapan siyang mag-react kapag nakakatanggap ng mga ganitong papuri. Pero dagdag niya, isa itong assurance para sa kanya dahil nasasabi niya sa sarili niya na maayos ang ginawa niya at dapat pang pag-igihan.                                  

vuukle comment

JACKIE RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with