Operasyon ni Eddie, nagmistulang reunion
Eddie Gutierrez

Operasyon ni Eddie, nagmistulang reunion

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - June 5, 2018 - 12:00am

Ang mala-reunion ng pamilya ni Eddie Gutierrez noong Sunday.

Nagkaroon ng two knee replacement surgery si Tito Eddie noong May 9 at ngayon ay nagpapagaling pa rin.

Ang misis niyang si Annabelle Rama ang tutok sa pagpapagaling ng mister.

Noong Sunday, nagpunta sa White Plains house nila ang mga anak ni Tito Eddie.

Pati si Raymond Gutierrez na galing sa out of town event ay humabol din doon, kaya nakapag-bonding ang pamilya!

Sabi ni Ruffa Gutierrez, masaya sila at mukhang madali ang paggaling ng kanilang tatay.

Si Tito Eddie naman, umaasa na by July ay puwede na uli siyang makapagtrabaho.

Erik hindi nalilimutan si Rufa Mae

Maganda ang naging samahan nina Erik Santos at Rufa Mae Quinto noong magkarelasyon pa sila.

Friends pa rin ang dalawa, kaya nang mamatay ang nanay ni P-Chi (palayaw ng comedienne), isa si Erik sa mga nagpunta sa burol at nakiramay.

Sabi ni Erik, na-appreciate raw ni P-chi ang pagpunta niya roon.

Umaasa si Erik na magiging okey naman sa paglipas ng mga araw si P-chi.

Sabi ng singer, kahit may asawa na si P-chi ay wala namang masama kung maging friends pa rin sila.

Dyowa ni Jeron hindi na umaalis ng hospital

As of yesterday, naka-confine pa rin sa hospital si Jeron Teng.

Stable but under observation ang kalagayan ng Alaska PBA team member.

Wala pang latest medical advice ang mga doktor ni Jeron tungkol sa mga natamo niyang saksak.

Nagpapasalamat ang pamilya ni Jeron sa napakaraming nagdarasal para sa speedy recovery ni Jeron.

Palaging nasa hospital ang girlfriend ni Jeron na si Jeanine Tsoi.

Noong Sunday, the whole day ay hindi nakakain si Jeanine sa sobrang pag-aalala sa kalagayan ng boyfriend.

Halata ang sobrang pangamba ni Jeanine, pero pilit siyang nagpapakatatag lalo na kapag kaharap niya si Jeron sa hospital.

EDDIE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with