^

Pang Movies

Sharon at Regine concert hinahanapan ng producer

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sharon at Regine concert hinahanapan ng producer
Regine

Gusto raw ni Sharon Cuneta na makasama sa isang concert si Regine Velasquez. Kung mangyayari ‘yan ay isang magandang project talaga. Pero sino kaya ang may kakayahang mamuhunan sa ganyan kalaking concert? Sa talent fee lamang nilang dalawa, matindi na ang gastos at sa ngayon naman hindi ka makakabenta ng tickets sa isang local concert na kasing mahal ng foreign acts. Nakakalungkot aminin na ang mga Pinoy ay magbabayad kahit na mahigit sa P20,000 para sa isang concert ng isang foreign artist, pero baka irapan ka kung maniningil ka kahit na kalahati man lang noon sa concert ng isang local singer.

May panahon na na-overtake na ng mga local artist at local music ang market dito sa Pilipinas, pero dahil walang bagong ideas at wala ring nakapasok sa mga bagong artist, nanlamig ang musika. Naghanap ang mga Pinoy ng bagong tunog at narinig nila ‘yan sa mga dayuhan, lalo na ang mga Koreano.

Nangyari naman iyan dahil sa mga singer na Pilipino, na dahil gustong mamayani sa industriya ay halos harangin ang mga bagong talent, at dahil karamihan sa kanila ang siya ring totoong nagmama­y-ari ng mga artists management firms, na malalakas sa mga network, nagawa nila iyon.

Tinamaan naman ang industriya ng musika, at ang mga Pinoy na sawa na sa kanila, bumaling na naman sa mga dayuhan.

Ngayon, sa pagsasama nina Sharon at Regine, siguradong hit iyan pero kanino mapupunta ang kredito? Kung pag-aaralan mo, mas senior si Sharon. Pero maikakaila ba natin ang katotohanan na lately ay mas aktibo nga si Regine at nahawakan niya ang kanyang audience? Tiyak magkakaroon ng pagtatalo. Siguro nga bibigyan ng priority sa mga promo si Sharon, pero tiyak marami ang maniniwala na si Regine ang may mas malaking kontribusyon sa dami ng audience na mano­nood.

Sino kaya ang producer na susugal sa proyektong iyan?

Jackie kinakabog si Ryza

May isa kaming kaibigan na nagtanong sa amin kung napapanood daw ba namin ang serye ni Jackie Rice sa telebisyon. Sadly hindi nga dahil iyon ang oras ng aming trabaho at hindi nakakapanood ng tele­bisyon. Pero kinumbinsi niya kami na hanapin iyon sa YouTube, at may isa siyang point na sinabi.

“Tingnan mo kung hindi totoo, mas magaling palang kontrabida si Jackie Rice kaysa kay Ryza Cenon,” sabi niya sa amin.

Si Ryza ang naging kontrabida sa highest rating daytime program noon, pero nang mapanood nga namin si Jackie, mukhang mas magaling nga. Suwerte lang si Ryza dahil kontrabida siya kina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion. Natural mas mataas ang ratings. Si Jackie naman, kontrabida lang kina Yasmien Kurdi at Mike Tan, na walang dudang mas maliliit na stars. Pero sa totoo lang, magaling nga talaga si Jackie.

Male singer gusto na ring magladlad sa libro

Usap-usapan ang isang male singer na mukhang malapit na rin daw sumulat ng sarili niyang “libro”. Masyado na ka­sing halata ang kanyang make up sa kanyang performances, at marami na ring tsismis ng kanyang mga gay liaisons at sinasabi ring favorite date siya ng isang matabang beki.

Matagal na naming naririnig iyan sa mga comedian sa mga comedy bar, “bakit nga ba ang mga bakla hindi naman nanganganak pero dumadami”.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with