Luis Manzano
Luis wala pang planong sundan sina Billy at Anne
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - June 1, 2018 - 12:00am

Wow totoo kaya ito Salve A., si Luis Manzano raw ulit ang magho-host ng bagong dancing reality show na Dancing With The Stars na napapabalitang i-eere sa ABS-CBN.

Kung ganon nga, nangangahulugan ba na matatapos na ang airing ng game show niya na I Can See Your Voice na pinapalabas tuwing Sa­turdays and Sundays?

Well, tiyak na maraming “voices” ang maririnig kapag ‘di na nila mapapanood ang I Can See Your Voice, kabilang na kami.

Balik tayo sa airing ng Dancing…, kasama raw si Billy Crawford dito bilang isa sa mga jurors. Sabagay, magaling nga namang sumayaw si Billy.

Samantala, kailan pa kaya gagawing misis ni Luis Manzano itong si Jessy Mendiola?

Kapwa best friends ni Luis sina Billy at Anne Curtis na pareho nang kasal, masasaya at kuntento na rin ang mga ito.

Pinakasalan ni Billy ang Kapamilya ctress na si Coleen Garcia, habang si Anne naman ay isa nang Mrs. Erwan Heussaff.

Dina itinangging nagparetoke

Sumumpa si Dina Bonnevie na sa edad niyang nasa late 50’s ay wala siyang pinagalaw o pinaretoke sa kanyang mukha kahit isa.

Sumasailalim lang siya sa mga non-invasive procedures, tulad na lamang halimbawa ng facial.

Hindi naman halata sa kanya ang edad dahil mukha pa rin itong bata, sexy at maganda.

No wonder at wala siyang balak na sumama kina Maricel Soriano at Snooky Serna sa pelikulang napag-usapan nilang gawan ng sequel, ang Overage. Gaganap sana silang mga cougars dito.

Nauna na silang gumawa ng pelikula noong mga teenager pa sila, ang Underage.

Sa kanilang tatlo, bukod tanging si Dina lang ang openly umaamin na isa na siyang lola to her several apos, courtesy of her two children with former husband, Vic Sotto, sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Boy Sotto.

Currently married ngayon si Dina to Ilocos Sur Cong. Deogracias Victor Savellano.

Masaya rin daw si Dina for Vic, na kasal na kay Pauleen Luna and a new Dad to a less than a year-old daughter.

Aktibo pa rin siya sa showbiz, nasa top Kapa­milya series siya na The Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.

Erich sinupalpal si Daniel, cute na dyowa binuko ni dina

Wala namang pakialam si E­rich Gonzales sa bagong pag-ibig ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Matsunaga, dahil maging siya rin ay naka-move on na at may bago na ring boyfriend, na ayon kay Dina ay “cute” raw.

Samantala, si Daniel naman ay proud na proud sa kanyang bagong girlfriend na si Karolina Pisarek. Hindi naman nabanggit ni Daniel kung ano bang propesyon meron ang kanyang nobya maliban sa pagiging model nito.

Mayor Patrick, no reaction sa isyu na kinasasangkutan ni Ara

Ano naman kaya ang reaksyon ng ex ni Ara Mina na si Bulacan Mayor Patrick Meneses sa pagkakasangkot nito sa isyu na kumabit daw siya sa isang pulitikong may sabit na?

Si Mayor Patrick ang ama ng anak nila na mag-three years old na, si Amanda.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with