^

Pang Movies

Atom at Direk Mike matagal nagpigil sa isa’t isa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Atom at Direk Mike matagal nagpigil sa isaât isa
Atom Araullo at Mike de Leon

Mukhang mas malala kaysa sa palitan lang ng salita ang namagitan kina Atom Araullo at direk Mike de Leon. Pareho lang silang nagpipigil at nung ginagawa pa lang nila ang Citizen Jake ay hindi na sila nagkakaintindihan.

Ang sinasabi ni Atom, mainitin daw ang ulo ni direk Mike, at naranasan niya ang mga tantrums nito. In short para niyang sinabing kung minsan may ‘baltik’ ang kanyang director, pero sinasabi nga niyang pinagtiisan niya iyon sa panahong ginagawa nila ang kanilang pelikula. Kahit na nga raw noong palabas pa sa mga sinehan ang pelikula, nagpigil pa rin siyang magsalita, pero kailangan din naman niyang ituwid kung ano man ang nasabi ng director sa kanya.

May sinabi pa si Atom, na kasi nga raw napapalampas ang kung minsan ay sumpong ni direk Mike at walang nagsasabi sa kanya. Pero palagay niya hindi niya kailangang palampasin iyon.

May pinagmulan din naman pala ang baltik ni direk Mike. May sinasabi siyang isang eksena kung saan hindi ginawa ni Atom ang kanyang gustong palabasin, at sa halip ay umarte iyon on his own, at sinasabi ng director na nagmukhang katawa-tawa ang eksena. Kailangan na lang niyang mag-edit nang husto para mapaganda ang pelikula. Sinasabi ng director, wala pa raw kahit na sinong artista, at kung iisipin ay nakatrabaho niya ang pinaka mahuhusay sa industriya, na hindi sumunod sa kanyang direksiyon sa kahit na anong eksena.

Kung iisipin mo, iyong mga maliliit na bagay na iyon ang pinagmulan. Naipon na ngang lahat kaya sumabog nang ganyan.

Wala nang magagawa. Kung kami ang tatanungin, pareho silang may katuwiran. Pareho ring mataas ang ego. Palagay namin walang makabubuti riyan kung di huwag na lang silang magtrabahong muli nang magkasama sa isang proyekto.

Sunshine noon pa naniningil sa kaibigan

Ngayon lang namin naalala ang isang kuwento ni Sunshine Cruz noong panahong muntik nang madisgrasya ang kanyang mga anak dahil ang sinasakyan nilang van ay nawalan ng preno.

May kuwento noon si Sunshine na dapat daw naibili na niya ng sasakyang bago ang kanyang mga anak.

Ang problema niya noon, mayroon naman daw siyang pera pero “nahiram” ng isa niyang kaibigan at hindi naman nabayaran on time. Pero ayaw magsalita ni Sunshine tungkol doon, parang nabanggit lamang naman niya, kasi nga raw kaibigan niya at saka nakausap naman daw niya pati ang asawa noon at nagbabayad nang paunti-unti. Doon natapos ang kuwento niya. Pero may iba naman siyang trabaho kaya nakaipon din ng pera at naibili ng sasakyan ang kanyang mga anak. Isinauli na rin niya ang luma na ipinahiram lamang naman sa kanila.

Pero hindi namin alam na iyan pala iyong kontrobersiyal na investment ngayon. Nasa korte na ‘yan kaya pabayaan nating ang korte ang gumawa ng desisyon.

ATOM ARAULLO

MIKE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with