^

Pang Movies

Anne at Sarah magsasama sa pelikula

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Anne at Sarah magsasama sa pelikula
Anne Curtis at Sarah Geronimo

Isang success na agad ang kapapalabas pa lamang ng bagong pelikulang Sid and Aya (Not a love story) nina Anne Curtis at Dingdong Dantes, at heto at may kasunod na agad na ididirek si Direk Irene Villamor.

Tama ba ang narinig namin? Na ang bago niyang pelikulang ididirek ay pagbibidahan naman nina Anne Curtis at Sarah Geronimo? Wow! Pag nagkataon.

Wala pa kaming balita kung sinu-sino ang mga makakasama ng dalawa sa pelikula at kung sino ba ang kanilang mga magiging leading man, pero sa pagkakakilala ko kay Direk Irene, malamang ay mabibilang mo lang sa daliri ang makakasama sa cast nito. Specialty kasi niya ang magkaroon lang ng small assemble of actors.

Sarah bumabawi sa pelikula

Magiging busy na ulit si Sarah Geronimo, nakatakda na kasi siyang mag-promote ng kanyang pelikulang Miss Granny na idinirek ni Direk Joyce Bernal. Makakasama niya rito sina Nova Villa, James Reid at Xian Lim sa unang pagkakataon.

Ang Miss Granny ay napabalitang adaptation ng isang popular Korean movie.

Magkakaroon din siya ng pelikula kasama si Daniel Padilla.

Daniel hindi kayang gawin ang gusto ng ina

Hindi naman maipangako ni Daniel Padilla sa kanyang ina na si Karla Estrada ang gusto nitong mangyari na mag-asawa siya sa edad na 35 to 40 years old.

May kasabihan nga naman, after all, marriage comes like a thief in the night.

Pero ilan sa mga malalapit kay Daniel ang nagsabi na ‘di naman pakakasal si Daniel, kung ‘di niya mahal ang isang babae at kung may sapat na siyang kakayahan para mabigyan ito ng magandang buhay at ang kanilang mga magiging anak.

Right now, ang alam namin, bukod sa kanyang showbiz career, ang isa pang priority ni Daniel ay ang makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng diploma. Gusto niyang kumuha ng kursong business management. Madalas niya itong banggitin sa amin pag nai-interview.

Anak ni Direk Carlo, nagdidirek na rin

Did we hear it right, Salve A., may pelikula raw na kasalukuyang idini-direk ang isa sa dalawang anak ni Komiks King and TV director, Carlo J. Caparas with his late wife, actress-producer Donna Villa?

Base raw ang pelikula sa isang totoong kuwento na naganap sa Cebu, maraming taon na ang nakalilipas. Isa iyong rape and murder case sangkot ang dalawang teenagers na parehong anak ng isang Chinese businessman.

Si Peach ay nasa kanyang early 20’s pa lamang pero kasal na ito at may anak na.

Ang kanyang nakatatandang kapatid ay si CJ, na nagtapos ng business course sa Ateneo de Manila University.

Namatay ang kanilang ina na si Donna, dalawang taon na ang nakakalipas.

Pagmamay-ari nila ang Golden Lion’s Film Production, na magri-release ng title ng pelikula na dinidirek ni Peach.

Janella walang planong hiwalayan si Elmo

Sinabi ni Janella Salvador na ‘di porket okay na sila ng kanyang inang si Jenine Desiderio ay mabubuwag na ang loveteam nila ni Elmo Magalona. More so, kung anumang personal na relasyon sila.

Ganunpaman, okay lang daw sa kanya na gu­magawa sila ng project ni Elmo na ‘di magkasama.

Now showing pa in theaters nationwide ang movie nila ni Jameson Blake, So Connected.

Next week naman ang opening ng Walwal, co-starring Elmo with Jerome Ponce and Kiko Estrada.

vuukle comment

ANNE CURTIS

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with