^

Pang Movies

Ara pumiyok na sa sinasabing relasyon sa government official

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ara pumiyok na sa sinasabing relasyon sa government official
Ara Mina

Nag-deny na si Ara Mina tungkol sa isyu na may lihim siya na relasyon sa isang government official na nabuking ng fiancée nito dahil sa cellphone na ipinahiram niya.

Detalyado ang kuwento tungkol sa insidente na nabasa ng fiancée ang mga text message ng boyfriend niya habang kumakanta sila ni Ara sa birthday party nito pero pinabulaanan ito ng aktres na nakiusap na huwag nang magdamay ng ibang tao.

Pinag-usapan namin nina Papa Arnold Clavio, Papa Mike Enriquez at Ali Sotto sa DZBB ang scandal of the month. Hindi naman kami magbabalita ng walang basehan or else, ang mga credibility namin ang masisira.

Basta, paninindigan ko ang news na nakarating sa akin at hindi ko ito babawiin, kahit nag-deny si Ara.

Pitong finalists para sa 3rd ToFarm Film Festival, inilantad na

Nag-attend ako kahapon sa presscon ng 3rd ToFarm Film Festival kaya alam ko na ang seven finalists na pelikula sa filmfest na sinimulan ng pumanaw na direktor na si Maryo J. delos Reyes.

Bago ang official announcement, ipinakita muna sa wide screen ang tribute kay Kuya Mario na sumakabilang-buhay noong January 2018. Kinikilala ni Dra. Milagros How, ang founder ng ToFarm Film Festival, ang malaking kontribusyon ni Kuya Mar.

Si Bibeth Orteza ang ipinalit kay Kuya Mar bilang festival director ng ToFarm kaya siya ang nag-announce ng seven finalists, ang 1957, Alimuom, Fasang, Isang Kuwento ng Gubat (The Leonard Co Story), Lola Igna, Mga Anak ng Kamote at Sol Searching.

Naghahanap pa ng mga artista na gaganap sa kanilang mga pelikula na official entry sa 3rd ToFarm Film Festival ang mga direktor ng Magnificent Seven.

I’m sure, magkakaroon uli ng another presscon ang ToFarm Film Festival kapag tapos na tapos na ang mga pelikula na kalahok sa filmfest na idaraos sa September 2018.

Sid and Aya nina Dingdong at Anne nakakuha ng graded B

Congrats kina Dingdong Dantes at Anne Curtis dahil Graded B ng Cinema Evaluation Board ang kanilang feel good movie, ang Sid & Aya (Not A Love Story).

Happy sina Dingdong at Anne dahil positive ang mga feedback sa kanilang pelikula na ngayon ang first day of showing sa mga sinehan.

Natuwa ang dalawa dahil pinalakpakan ng audience ang Sid & Aya pagkatapos ng screening nito sa red carpet premiere na ginanap noong Lunes sa Cinema 7 ng Trinoma.

Ang sabi ng mga dumalo, nag-enjoy sila sa pano­nood dahil isang feel good movie ang Sid & Aya. Irerekomenda raw nila sa kanilang mga kaibigan at kakilala na panoorin ang pelikula na light drama kaya hindi mabigat sa dibdib ang mga eksena.

Na-in love ang audience sa mga karakter na ginampanan nina Dingdong at Anne dahil nagmumura ang kaguwapuhan at kagandahan ng dalawa. Parang ang sarap-sarap daw ma-in love kung kagaya nina Dingdong at Anne ang kanilang mga dyowa.

At dahil napanood na nila ang Sid & Aya, alam na ng mga dumalo sa premiere night ang mga  dahilan kaya hindi isang love story ang pelikula nina Anne at Dingdong.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with