^

Pang Movies

Anne may panawagan sa mga ginagago

Nitz Miralles - Pang-masa
Anne may panawagan sa mga ginagago
Marian at Anne

MANILA, Philippines — Nakakatuwang basahin ang pinost ni Anne Curtis tungkol sa Rated PG na bigay ng MTRCB sa pelikula nila ni Dingdong Dantes na Sid & Aya (Not A Love Story) na showing sa May 30.

“Yun o. Sid & Aya (Not A Love Story) is Rated PG. Kayo bahala kung ano ang pwedeng ibig sabihin ng PG para sa inyo. Para sa Gago? Para sa mga Ginago? Or simpleng Patay Gutom? Kaya kung gutom na kayo manood na magandang film. Ito na. Sa direksyon ni Direk Irene Villamor, Sid & Aya in cinemas on May 30! Yep! This Wednesday na!”

Bukas, Monday, ang premiere night ng Viva Films at N2 Productions movie nina Anne at Dingdong. Masasagot na kung bakit may “not a love story” sa title ng pelikulang idinirek ni direk Irene VIllamor.

Samantala, waiting ang fans kung isasama ni Dingdong si Marian Rivera sa premiere night. Sumasama si Marian sa premiere night ng Star Cinema movies ni Dingdong at maganda kung sasama siya sa premiere night ng Sid & Aya para masundan ang pagkikita nina Anne at Marian sa launching sa kanila ng Ajinomoto.

Fans ni Alden nagpalit ng apelyido 

Nakakatuwa ang solid fans ni Alden Richards, lalo na ‘yung mga tinatawag na “blueys,” sila ‘yung may emoji na blue heart before and after their names dahil interview palang ni Alden sa 24 Oras para sa teleseryeng Victor Magtanggol, inabangan na nila at pina-trend sa Twitter.

Hindi lang ‘yun, karamihan sa kanila, pinalitan ang handle o username nila sa Twitter at dinagdagan ng “Magtanggol.” Kaya nakakaaliw basahin na puro may Magtanggol sa username ng followers ni Alden.

Mas na-excite ang fans nang ikwento ni Alden na family drama/adventure/fantasy ang concept ng Victor Magtanggol dahil hindi lang iisa ang tema na kanilang mapapanood.

Nabitin ang fans sa interview ni Alden last Friday sa 24 Oras, kaya magbabalik siya sa Monday at mas marami siyang ikukuwento tungkol sa Victor Magtanggol sa direction ni Dominic Zapata.

Samantala, nakasalubong namin si director Adolf Alix Jr., sa GMA Network and we congratulated him sa napanalunang Gold Camera Docudrama Category sa UD International Film & Video Festival ng Alaala: A Martial Law Special na tinampukan ni Alden. Second international award na ito ng docudrama.

Guwapo at sikat na aktor susundan ang GF na aktres sa kalabang network

May nagpu-float na tsika na lilipat sa kalabang network ang isang guwapo at sikat na aktor na boyfriend ng magandang aktres na talent ng network na lilipatan daw ng guwapo at sikat na aktor.

Tinanong ng mga reporter ang bossing ng isang network kung totoo ang balita, pero dinedma nito ang tanong na parang walang narinig. Ang isa namang bossing, gusto ang guwapong aktor at tsika pa lang na lilipat ito, tuwang-tuwa na.

May show sa kanyang home network ngayon ang guwapong aktor, pero madaling remedyuhan kung gugustuhin nitong lumipat. Puwedeng patayin ang kanyang karakter o basta na lang mawala. Siguraduhin lang ng aktor na wala na siyang kontrata sa network niya ngayon para walang problema.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with