^

Pang Movies

Hunk actor hindi pa rin nagbabayad ng utang sa naka-live in na drama actress!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagdedmahan sa isang showbiz event ang dating magkarelasyon na drama actress at male hunk.

Inakala ng mga kasama nila na okey ang paghihiwalay ng dalawa pagkatapos ng ilang taong nagkaroon ng bonggang relasyon. Nagsama pa sila sa isang bahay ni drama actress at tinuring si male hunk na parang second dad ng anak nito.

Pero bigla na lang nabalitaan ng mga kaibigan na naghiwalay ang dalawa dahil naghanap ng mauupahan niyang apartment si male hunk.

Kapag tinatanong ang dalawa ng mga reporter noon, okey naman daw ang paghihiwalay nila. Kailangan lang daw nila ng space sa isa’t isa pero nanatili naman daw silang good friends.

Pero nitong nakaraan lang sa isang showbiz event, umiwas si male hunk na masalubong niya si drama actress. Si drama actress naman, matalim ang tingin sa male hunk na iwas-pusoy na makita siya.

Ayon sa isang source, malaki pala ang utang ni male hunk kay drama actress na hanggang ngayon ay hindi pa nito nababayaran.

Nangako raw ang male hunk na babayaran niya ang utang kay drama actress nang paunti-unti dahil wala siyang regular na project noon.

Dahil mabait si drama actress, pumayag siyang maghintay na magbayad si male hunk. Pero ilang taon na ang dumaan, tila nakalimutan na nito ang utang niya.

“Eh alam ni drama actress na maraming trabaho itong si male hunk. May regular ngang teleserye ito.

“Ang hirap lang kay male hunk, user siya at mahilig talagang kuwartahan ang mga babaeng nagiging karelasyon niya.

“Tulad ngayon, may ka-live in ito na isang girl na may mataas na posisyon sa isang telecommunication company. For sure, kakakuwartahan din niya ang babaitang ‘yan tapos iiwan niya,” talak ng source namin.

Marlo pinagbigyan ng American Idol winner

Natuwa naman ang Kapamilya singer-actor na si Marlo Mortel sa bagong American Idol winner na si Maddie Poppe dahil nagawa nitong magpadala ng touching na mensahe para sa kanyang inang si Merlie Pamintuan.

Nakikipaglaban sa sakit na stage 4 breast cancer ang ina ni Marlo at ang video message na pinadala ni Maddie ay tila nagpasaya sa araw nito.

Naging avid viewer ng show na American Idol at supporter ni Maddie si Marlo at ang ina nito.

Hindi inakala ni Marlo na maga-grant ni Maddie ang request nito na magpadala ng video message sa kanyang inang maysakit.

Heto ang sinabi ni Maddie sa pinadalang video message:

“This video is for Marlo’s mom and I’m in my pajamas, I look like trash. But I just want to say, I know you’re going through a rough time right now. And so, your words mean a lot to me and I really appreciate them. Thank you!”

In-upload naman ni Marlo ang video message sa kanyang Instagram account.

 

vuukle comment

MARLO MORTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with