^

Pang Movies

Maine nagbago ang isip, ayaw nang layasan ang showbiz

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Maine nagbago ang isip, ayaw nang layasan ang showbiz
Maine

Base sa sinasabi ng kanyang manager na si Rams David, hindi naman totoong nakahanda na rin si Maine Mendoza na talikuran ang showbiz career na nasimulan niya. Nagkaroon ng ganyang speculations noong nagpakita na ng discontentment si Maine dahil sa sobrang panghihimasok ng fans sa kanyang personal na buhay.

Bigla nga kasi ang pagpasok ni Maine sa showbusiness, at bigla rin naman ang kanyang pagsikat. Hindi naikundisyon ang isipan niya sa mga ganoong klase ng sitwasyon na talagang may mga nakikialam sa personal na buhay ng isang artista. Pero ang isang bagay na mahalaga, nasabi na ni Maine kung ano ang gusto niyang mangyari talaga.

Maliwanag din naman ngayon na hindi nakasalalay doon sa love team nila ni Alden ang kanyang career. Mas maganda nga magkahiwalay sila para mapatunayang on their own, kaya naman nila.

Gabby hindi na tinatablan ng mga pasaring ni Sharon

Iniwasan na ni Gabby Concepcion ang magbigay pa ng anumang sagot tuwing tatanungin siya tungkol sa mga nasabi ng dating asawang si Sharon Cuneta sa social media. Tama naman ang ginagawang iyon ni Gabby, dahil ano pa nga ba ang sasabihin niya? Kung ganoon ang paniniwala ni Sharon, eh di iyon ang paniwalaan niya. Kung talagang palagay ni Sharon ay hindi na sila dapat magsama sa isang project eh di ganoon na lang.

After all, ano pa nga ba ang pag-uusapan eh matagal na panahon na rin naman silang hindi nagtatambal, at umusad naman ang mga career nila. Bakit pa nga ba sila gagawa ng isang proyekto na magiging isang malaking sugal pa sa kanilang career? Una, maaari ngang pagmulan pa iyon ng kung anu-anong tsismis na makakaapekto sa kanilang personal na buhay. Pangalawa, ang kanilang love team noong araw ay kinilala dahil sa malalaking box office hits na ginawa nila. Papaano kung hindi na ganoon ang resulta kung magsama silang muli ngayon?

Aminin natin na sa tagal ng panahon, hindi na masasabing ganoon pa rin ang kanilang popularidad. Ilang panahon din ang inabot bago muling nakabawi si Gabby sa kanyang po­pularidad matapos na mawala ng 13 taon. Si Sharon naman ay hindi pa masasabing nakabawi na sa dalawang pelikulang una niyang ginawa matapos na manahimik din ng ilang taon.

Kung iisipin mo nga naman, malaking sugal kung magsasama sila sa panahong ito, at lalabas na ang burden ay babagsak kay Gabby.

Maaaring totoo nga na may mga mabigat na kundisyong ibinigay si Gabby sa kanilang muling pagsasama sa isang pelikula, pero hindi mo siya masisi. Si­guro gusto lang niyang makasiguro na ano man ang kalabasan noon, it will be worth it.

Aktres ‘di pa tanggap na laos na

“Laging mainit ang ulo ni ma’am. Kasi ang feeling niya hindi siya binibigyan ng importance ng mga taong kasama niya na noong araw talagang lahat ng pagsisipsip ginagawa sa kanya. Hindi pa rin kasi tanggap ni ma’am na hindi na siya ganoon kasikat ngayon,” pagkukuwento ng isang PA tungkol sa kanyang among aktres.

Ang buhay nga naman.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with