^

Pang Movies

Alden babawi!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden babawi!
Alden

Halatang excited si Alden Richards sa upcoming primetime series niya sa GMA 7 na Victor Magtanggol na isang family-adventure-fantasy drama.

Matapos ang announcement ng 24 Oras last Friday night tungkol sa bago niyang teleserye ay kaagad nag-tweet si Alden sa kanyang mga tagahanga sa Twitter.

“Passion, determination, courage, hard work and faith. Magbabalik na po tayong muli,” ang tweet ni Alden.

Isang taon din kasing nagpahinga sa teleserye si Alden pagkatapos ng Destined to be Yours nila ni Maine Mendoza kaya for sure ay na-miss niya ang paggawa ng serye.

Ayon sa panayam ng 24 Oras kay Alden, gustung-gusto niya ang role niya as Victor Magtanggol at sey nga niya, matagal na niyang gustong gampanan ang ganitong klaseng karakter.

At hindi lang basta aktor dito si Alden dahil very much involved din siya sa magiging takbo ng kwento at nakikipag-collaborate sa creative team ng programa, making it sure na kapupulutan ng aral ng mga manonood ang serye.

Ngayon pa lang ay marami na ang curious malaman kung sinu-sino ang iba pang cast na makakasama ni Alden sa bagong serye lalong-lalo na of course ang leading lady.

Pero as of now ay ang title pa lang ng serye ni Alden ang inire-reveal ng network kaya abangan na lang natin ang next announcement.

Martin dinibdib ang pagiging Muslim

Ang daming pumuring entertainment press kay Martin Escudero sa pagganap niya bilang Muslim sa pelikulang Ang Misyon: A Marawi Siege Story matapos mapanood ang pelikula sa press screening na isinagawa last Friday sa Dolphy Theater.

Needless to say, nag-stand out si Martin sa kanyang portrayal bilang isang Muslim na nurse na may bipolar persona­lity. Kuhang-kuha ng aktor ang pananalita, pana­namit, nuances, at galaw ng isang Muslim to the point na iisipin mo kung Muslim din ba siya in real life.

Ayon kay Martin, mahabang proseso raw talaga ang preparasyon na ginawa niya for the role. Pero malaking tulong daw na bata pa lang siya ay marami na raw siyang kaibigang Muslim.

“Pinag-aralan ko rin ang Quran para maisapuso ko talaga ‘yung pagiging Muslim,” pahayag ni Martin sa Q&A segment after ng press screening.

“Bukod sa pag-aaral ko ng pananamit nila, nun’g nagsu-shoot po kami, talagang nakasuporta po ‘yung mga kapatid natin na Muslim do’n. From Quiapo pa lang po, talagang nakatutok sila, inaalam nila ‘yung bawat eksena, kung paano binibigkas ‘yung mga salita, lagi akong nakikipag-usap sa kanila,” dagdag pa ni Martin.

Maging ang direktor na si Ceasar Soriano ay napabilib ni Martin sa husay na ipinakita nito sa pelikula. Inamin nga ni direk na third choice ang aktor para sa role pero it turned out na he’s the perfect choice after all.

“Ito lang ang sasabihin ko, para sa akin, siya (Martin) ang pinakamagaling na aktor sa movie industry natin,” pahayag ni direk Caesar.

Ang Ang Misyon: A Marawi Siege Story ay isang socio-political, action-packed narrative drama na nagpapakita ng  kasalukuyang kaganapan sa Mindanao, partikular na sa lungsod ng Marawi. Showing na ito nationwide on May 30 sa mga sinehan hatid ng ABS-CBN Films–CineScreen sa ilalim ng produksyon ng GreatCzar Media Productions. 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with