Nico, Chris,at Solenn
Kinabog ang misis mister ni Solenn lumabas ang landi nang makita si Thor!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 27, 2018 - 12:00am

 

Ipinagmalaki ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang pagkikita nila ng Hollywood actor at Avengers star na si Chris Hemsworth.

Kanya-kanya silang caption sa kanilang Instagram habang katabi si Chris.

Sey ni Solenn: “Caption is simple: The face you make when you tell your husband to get the hell OUT of your picture. #HiChrisimSolennAndWhoThatHusbandWhatsThat”

Mas classic naman ang caption ni Nico sa pagkikita kay Chris.

“We met @chrismesworth today and I have never seen @solenn so starstruck in my life! The funny part is that I was too! I think I found my first man crush!

“He is manly, muscular, funny and charming! All I want in a man!  I really think we had a moment that was automatically ruined by my wife being there also! Forgot to mention that we are in talks for Patato and me to be part of @avengers...Me as Patato’s manager of course,” patawang caption naman ni Nico.

Nakita nina Sos at Nico si Hemsworth sa isang event sa Singapore.

Alden may pangako sa VM!

Solung-solo ni Alden Richards ang title ng comeback series niya sa GMA, ang Victor Magtanggol. Ipinakita na ang teaser ng series last Friday sa 24 Oras at umani ito ng positibong reactions mula sa viewers at netizens.

Yes, kumpara sa nakaraang series ng Pambansang Bae, ang Carmela at Destined To Be Yours, nakasentro sa kanyang pamilya, kaibigan at mga taong umaasa sa kanya ang kuwento ng VM.

Mula sa ilang impormayon naming nakuha, star-studded ang bumubuo ng cast ng Victor Magtanggol at all out ang gastos ng Kapuso Network para sa pagbabalik sa primetime ni Alden.

Hindi naman bibiguin ni Alden ang fans at viewers na sabik na sabik nang mapanood muli siya sa primetime TV. Hindi pa rin kasi nawawala sa kanya ang passion, hardwork at determination upang mapagbuti ang VM at magustuhan ng manonood.

CHRIS HEMSWORTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with